Part 45

6.9K 278 6
                                    


"MISS Alice, kaya mo bang ituloy ang guesting mo? Ang putla-putla mo," nag-aalalang sabi ni Nikki.

Hindi dumilat si Alice dahil parang ang bigat ng ulo niya at naliliyo siya. Pakiramdam niya ay babaligtad ang sikmura niya. Kanina pa ganoon kasama ang pakiramdam niya. Mula nang malaman niya na buntis si Veronica. Alam niya na papunta ito sa unit ni Aki. Ibig sabihin ang ama ng dinadala nito ay –

Ipinilig niya ang ulo at dumilat. No, ayaw niyang isipin. Hindi ngayon na ilang minuto na lang ay kailangan na niyang lumabas ng dressing room para pumunta sa studio. Live airing pa naman ang guesting niya sa umagang iyon. Hindi siya puwedeng mag-back out. Huminga siya ng malalim at umayos ng upo. Tumingin siya sa built in mirror at kahit nga naka-make up na siya ay mukha pa rin siyang maputla. "Nikki, iabot mo nga sa akin ang maroon lipstick ko." Kailangan niya ng darker color para hindi mahalata ang pamumutla niya. Kahit man lang sa panlabas ay magmukha siyang okay.

Pagdating sa set ay may mga nakapansin pa rin na mukhang masama ang pakiramdam ni Alice. Ngumiti na lang siya at sinabing kaya pa naman niya. Hindi naman iyon ang unang beses na nagtrabaho siya at humarap sa camera na masama ang pakiramdam. Dati nga, noong nagsisimula pa lang siya at hindi pa sikat ay nagtrabaho pa rin siya kahit mataas ang lagnat niya.

Nang matapos ang show ay nagtungo naman siya sa conference room ng Film Productions na sister company ng tv station para sa isang mahabang story conference. May pagbibidahan kasi siyang pelikula. Pagkatapos noon ay kinailangan naman niya magtungo sa studio para sa taping ng isang weekly sitcom kung saan siya guest.

Alas diyes na ng gabi nang matapos ang lahat ng trabaho niya. Naglalakad na sila ni Nikki sa parking lot ng tv station patungo sa kotse niya nang makatanggap siya ng tawag mula kay Coleen. Napabuntong hininga si Alice bago sinagot ang tawag.

"Alice! Umalis ba talaga ng bansa si Aki kasama si Veronica?! Nasa news websites ang mga larawan nila na magkasama sa NAIA kanina. At ngayon nasa late night showbiz news sila. Ano bang nangyari?" magkahalong panic at pagkamangha na sabi ni Coleen sa kabilang linya.

May bumikig sa lalamunan ni Alice at napahinto sa paglalakad. Nagtatakang napahinto rin si Nikki at napatingin sa kaniya. Alam niya na kapag may ibang taong dumating at makakita sa kaniya sa parking lot ay mapapatingin din sa kaniya. Subalit sa mga sandaling iyon ay huli na ang lahat upang humanap ng mas pribadong lugar. Namasa na kasi ang mga mata niya at nanginig ang kaniyang mga labi. "Coleen, hindi ko na alam ang totoo," garalgal na usal niya.

Napasinghap ang babae sa kabilang linya. Si Nikki naman ay tarantang humugot ng tissue sa bag na bitbit nito at nag-aalalang inabot sa kaniya. "Thank you," walang tunog na usal niya at tinanggap ang tissue. Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa kotse niya.

"Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita," tarantang sabi ni Coleen.

Huminga ng malalim si Alice at pinunasan ng tissue ang nakawalang luha mula sa kaniyang mga mata. "Pauwi."

"Fine. Pupuntahan kita. Magkita tayo sa unit mo."

"Hindi na kailangan, Coleen. Masyado nang gabi."

"Pero gusto kitang makita," giit ng babae.

Huminga siya ng malalim. "Kung ganoon bukas ka na lang dumalaw. Wala akong trabaho bukas."

Ilang segundong tila nag-alangan sa kabilang linya ang babae. "Sigurado ka?" worried na tanong nito.

"Yes." Dahil gusto niyang mapag-isa sa gabing iyon.

Bumuntong hininga si Coleen sa kabilang linya. "Sige na nga. I'll see you tomorrow."

"Okay. Bye." Iyon lang at tinapos na ni Alice ang tawag. Napahinga siya ng malalim nang ibaba niya ang cellphone pero hindi lumuwag ang pagsisikip ng dibdib niya. Totoong magkasama silang umalis. Nakagat niya ang ibabang labi dahil parang may pumipiga sa puso niya.

"Miss Alice," malumanay na untag ni Nikki sa kaniya.

Napakurap siya at nilingon ang assistant. Puno ng simpatya at pag-aalala ang mukha nito. "Gusto niyo ba ako na ang magmaneho hanggang sa condo ninyo? Marunong naman ho ako."

Huminga siya ng malalim at pilit na ngumiti. "Salamat. Sa tingin ko hindi ko kaya magmaneho ngayon," sabi ni Alice at inabot kay Nikki ang susi ng kotse.

Tahimik ang naging biyahe nila. Labis ang pasalamat ni Alice na hindi siya kinukulit ni Nikki. Dahil baka kung pati ang assistant niya tanungin siya tungkol kay Aki ay baka mawalan siya ng kontrol sa emosyon niya.

SA tenth floor ng condominium building, bubuksan na sana ni Alice ang unit niya nang mapatitig siya sa katabing pinto. Nasa pouch niya ang keycard ni Aki. Ipinagkatiwala nito sa kaniya iyon pero ang katotohanan sa likod ng pag-alis nito ay hindi ipinagkatiwala sa kaniya ng binata. Sandali lang siya nagdalawang isip bago binuksan ang sarili niyang pinto upang ilapag ang mga gamit niya bago iyon muling isinara at naglakad patungo sa katabing unit.

Huminga siya ng malalim at lumunok bago binuksan ang pinto ng unit ni Aki. Kinapa niya ang switch at binuhay ang ilaw. Ang living room ay katulad pa rin ng huling beses na nakita niya iyon. Alanganin siyang naglakad papasok sa loob at iginala ang tingin sa paligid. Maging ang kusina ay ganoon pa rin. Kahit ang master's bedroom. Na para bang ano mang oras ay babalik naman si Aki.

Ang huli niyang pinuntahan ay ang spare bedroom. Habang hawak niya ang doorknob at dahan-dahan iyong binubuksan ay nakikinita pa niya si Aki na nakaupo sa harap ng computer, keyboard at console sa lamesa nito. Katulad ng bawat umagang nagigising siya sa silid nito habang nagtatrabaho ito sa kabilang silid. She could even imagine him glancing her way, na para bang may sixth sense ito pagdating sa kaniya na palagi nitong nararamdaman ang presensiya niya kahit gaano pa katuon ang atensiyon ng binata sa musikang ginagawa nito. Nakikinita niya ang pagtanggal ni Aki sa headset na suot nito hanggang nasa leeg na nito iyon kasabay ng pagliwanag ng ekspresyon nito habang nakatingin sa kaniya. Nakikinita niya ang mainit nitong ngiti habang iminumuwestra siyang lumapit dito para yakapin ang baywang niya at gawaran siya ng halik sa mga labi.

Nilakihan ni Alice ang bukas ng pinto hanggang makita na niya ang buong loob ng silid. May bumikig sa lalamunan niya at namasa ang kaniyang mga mata nang makita na wala nang nakapatong sa mahabang lamesang nakadikit sa pader. Wala na ang computer, console at keyboards. Dinala ni Aki.

Iyon lang ang tanging patunay na umalis talaga ang binata. And the most heartbreaking. Dahil para kay Alice, ang mga gamit na iyon ang simbulo ng existence ni Aki sa lugar na iyon. Naisip niya na kahit wala na ang lahat ng gamit sa unit na iyon, basta naroon ang ginagamit nito para lumikha ng musika ay makakalma siya. Subalit iyon ang dinala ng binata.

Napahikbi si Alice at tumalikod. Mabilis siyang lumabas ng unit na iyon at tumakbo patungo sa sarili niyang unit.

"Kaya kapag may tumangkang umagaw sa kaniya, huwag ka papayag ha? Hindi ka na makakakita ng katulad niya." Iyon ang sinabi ni Coleen sa kaniya.

Peropaano ako lalaban kung wala sa tabi ko si Aki? Kung umalis siya kasama angibang babae?

SCANDAL MAKERSWo Geschichten leben. Entdecke jetzt