Prologue

1.5K 25 0
                                    


De Viel University is a university you would never imagine. Once you step inside, you must be brave enough to face hell.

De Viel University is the devil’s den.

“Sacrifice one for the sake of many”

Autumn Sison. Kung may listahan ng mga pinakamatitigas ang ulo, siguradong numero uno sya. Kung ano ang ipinagbabawal, syang ginagawa nya. Kung ano ang pinagagawa, syang iniiwasan nya.

“Autumn Sison!”

Dumagundong sa buong sala ng bahay ang boses ng ama ng tahanan. Salubong na salubong ang kilay nito habang nakatingin sa isang maliit na sobreng itim na may lamang maliit na card na kulay ginto.

“Dad! Kung makasigaw ka parang mamamatay na ko ah. Ano ba atin?” ngingisi-ngising tugon ng 22 years old na dalagang si Autumn.

“Don't talk like that to me, Autumn. What is this?”

Autumn glance at the thing his father is talking about. Her lips formed a wide grin. She actually left that on purpose. Well, to see his father’s reaction.

Lumapit ang dalaga sa ama at marahang kinuha ang hawak ni Mr. Sison. Ibinalik nya sa loob ng sobre ang card saka nagsalita. “It’s an invitation card, dad and i’d like to be part of the party”

“A party? Seriously? A party with a lot of people you don't even know”

“That’s the main objective of the party, dad. To meet a lot of people”

Mariing hinilot ni Mr. Sison ang sintido. Hindi nya talaga kaya ang ugali ng anak. Ito na yata ang may pinakamatigas na ulo sa buong mundo. Hindi naman ito rebelde pero ang ugali ay daig pa ang pinagkaitan sa lahat ng bagay.

“Dad, Autumn, nag-aaway nanaman ba kayo?”

Sumipol si Autumn nang dumating si Spring. Ang kakambal nya. Ang totoo ay quadruplets sila, nasa US lang ang dalawa kasama ang kanilang ina.

“You talk to this brat, Spring” sagot ni Mr. Sison at pailing-iling na umalis habang hinihilot ang sintido.

“What is that, Autumn? Ano nanamang kabalbalan ang ginawa mo or should i say, gagawin mo?” mataray na tanong ni Spring kay Autumn na tumawa lang.

“Ang sungit mo. Kaya wala kang friends e, hindi pa happy ang childhood pati college life” tumatawang saad ni Autumn na ikinakunot ng noo ni Spring.

“We’re not talking about my life here, Autumn. Please, just for once, act your age and stop giving dad a hard time”

Kumamot sa batok si Autumn saka tumalikod at dire-diretsong pumasok ng kanyang silid. Hindi nya pinansin ang pag tawag sa kanya ng kakambal. Mabilis nyang isinukbit ang isang hindi kalakihang backpack na nakapatong sa kanyang kama at agad na binuksan ang sliding door sa veranda ng kwarto nya.

Ngumisi sya nang makita ang dalawang pinagdugtong na kumot na nakalaylay sa ibaba, kanina nya pa sinet up ito para bababa nalang sya at tamang-tama nga ang teknik na ginawa nya.

Agad syang bumaba mula sa kwarto nya na nasa second floor gamit ang pinagdugtong na kumot. Hustong makatapak sya sa lupa ay dumungaw si Spring at agad na isinigaw ang pangalan nya.

“AUTUMN!”

She gave her sister a flying kiss and quickly ran away.

“AUTUMN! AUTUMN, YOU BRAT! COME BACK HERE!”

Tumawa lang ang pasaway na dalaga saka mabilis na tinalon ang gabewang na bakod ng kanilang bahay.

“AUTUMN! DAD, SI AUTUMN”

Napaling nalang sya. Sa lakas ng boses ni Spring, kahit nasa labas na sya ng bakuran ng bahay ay rinig na rinig nya pa rin ito.

Ngiting tagumpay si Autumn habang naglalakad. She brought a clothes with her at sa public toilet nalang sya magpapalit. She really want to go to the party. It’s a masquerade party na inorganize ng mga kasamahan nya sa isang online group na tinatawag na Devil’s Kiss. It is a secret website na tanging mga miyembro lamang ang may access.

Oh! She’s Autumn Sison, by the way. A 22 years old lady who knew nothing but to party and explore the beauty and freedom of life.

She’s the strongest, toughest and the most hardheaded among the four sisters.

Autumn Sison, the warfreak of De Viel University.

UNEDITED

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now