Chapter 1:Encounter

3.2K 94 3
                                    

Haven's PoV

"Ano na naman tong nabalitaan ko Haven?" inis na tanong sa akin ni Mommy nang makababa ako mula sa kwarto ko.

"Sumagot ka nga!Kababae mong tao puro away yang laman ng utak mo." naiirita akong umupo.Araw araw nalang ganito ang eksena namin sa bahay.Sermon ni Mommy ang aking agahan.Sobrang sanay na ako.Sanay na sanay.

"Kailan kaba magbabago Haven ha!Sumagot kanga!" galit na galit na ani ni Mama sa akin.

"Can you let me eat my breakfast peacefully even once" naiirita kong sambit habang sinasalin ang tubig sa baso ko.

"Abay sumasagot ka nang bata ka!" mommy shouted frustatedly.

"Kaninang hindi ako sumasagot pinapasagot mo ako tas ngayong sinagot kita pinapatahimik mo ako" pambabara ko kay mommy na mas lalong nagpainit ng kaniyang ulo.

"Burn~~" nakangising sambit ni Dad kaya tiningnan ko siya at maangas na tinanguan na agad niya rin namang sinuklian ng tango.

"Tumahimik ka Prince ha! Ke-aga aga sinasakyan mo yang katarantaduhan ng anak mo!" baling ni Mommy kay Dad

"Sorry na" pacute na ani ni Dad at ngumisi ka-agad

"Tssk...Kung hindi mo aayusin yang buhay mo--" - mommy

"Kung hindi mo aayusin yang buhay mo ipapatapon talaga kita sa states...Mommy bakit dimo nalang gawin atat na atat na akong bumalik dun" putol ko sa sinasabi niya.

"You're making my head hurts!Kausapin mo yan Prince.Kausapin mo yan!" ani ni Momny habang hinihilot ang ulo niya.Naiinis siyang tumayo at pumunta sa may kusina para kunin ang dessert.

"Alam mong nasa menopausal stage na yang mommy mo iniinis mo pa" natatawang sabi ni Dad

"Aray!" napahawak si Dad sa ulo niya ng batuhin siya ng sandok ni mommy na ikinatawa ko

"Isa kapang tarantado!" Bulyaw ni mommy kay Dad.

"Hehe nagjojoke lang naman eh! You're mom has a point kailan mo ba balak tigilan yang pakikipagbasag ulo mo?At bakit ba nakikipag-away kang bata ka?" medyo sumeryosong tanong sa akin ni Dad.

"Dad..Kasi idol ko si mommy" nakangiti kong ani at tumingin kay Mama na nakakunot ang noo ngayon.

"So ako pala ang ginagaya mo?" nakataas ang kilay nitong sambit at inilapag ang dessert sa lamesa.

"Yeah.I heard from Tita Sharia na leader ka ng isang gang noon" pagkwekwento ko sa kanya.

"Noon yun!Noon!Past!At for pete sake,alam ko kung gaano kapanganib yang ginagawa mo kasi nga napagdaanan ko na yan.Kaya please lang tama na anak!Tama na!" pagmamakaawa ni mommy sa akin.

"Ill try" walang gana kong sagot at sumubo ng pagkain.

"Anong I'll try I'll try ka diyan!Gawin mo!Naku pag ikaw talaga makahanap ng katapat mo ewan ko nalang" nagbingi-bingihan naman ako sa sinabi ni mommy at pinagpatuloy na ang pagkain ko.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon