THHV S2:CHAPTER 29

560 29 3
                                    

Third Person's Point of View

Napaluhod si Haven at doon na bumuhos ang madaming luha sa kaniyang mga mata.Agad siyang nilapitan ni Drake at niyakap patalikod.

"Everything will be fine" pagpapahinahon ni Drake kay Haven.

Ang lahat ng nilalang na nandoon ay hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan.

Nagkatinginan si Ziro at Jade.Kumawala sa mga mata ni Ziro ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.Patakbo siyang lumapit kay Jade at niyakap ito ng mahigpit.

"I miss you so much" ani ni Jade at sumilay sa kaniyang mga labi ang matamis na ngiti.

"I miss you too" ani ni Ziro na patuloy parin ang pag iyak.

"Wag ka na nga umiyak pumapangit ka" natatawang ani ni Jade dahilan para bumitaw si Ziro sa pagkakayakap sa binata.

"Asar ka naman kita mo ng nageemote eh!" asar na ani ni Ziro at sinuntok si Jade.Napangisi naman si Jade at gigil na gigil na pinisil ang mga pisngi ni Ziro.

"Ang cute cute mo talaga ang sarap mo---"napatigil sa pagsasalita si Jade ng tiningnan siya ng masama ni Ziro.

"Mukhang tumatalas ata pananalita mo ngayon ah!Gusto mo ng sapak!" sambit ni Ziro at itinaas ang kaniyang kamay na nakakuyom.

"Hehe wag ganoon.Papayagan mo bang masaktan ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo" buong pagmamalaking ani ni Jade at mabilis na niyakap si Ziro.

"Wag ng umangal alam ko namang gusto mo rin to!" ani ni Jade ng nagpupumiglas si Ziro.

"Ssshhh-Wag na magpumiglas--Ssshh Baby!Wag na--Kundi paparusahan na naman kita" pilyong bulong ni Jade kay Ziro,na nagpatawa sa dalaga.

Nagulantang silang lahat ng biglang makarinig ng malakas na pagsabog.Tumilapon ang mga Vilamajika na dumalo na siyang napuruan dahil sa pagsabog.Agad na naalerto ang lahat at inalam kong saan nanggaling ang pagsabog.

Pagkatapos ng pagsabog ay umugong ang malakas na tunog ng trumpeta.Nagkatinginan si Conselio Calypso at Head Mistress Alisa na wari alam ang gustong ipahiwatig ng trumpeta.

Mula sa kabilang dako ay dumating ang hukbo ng mga lobo na pinamumunuan ni Haring Loki.

"Tumakbo ang lahat papasok sa palasyo!" sigaw ni Conselio Calypso dahilan para magkagulo ang lahat.

Hindi magkamayaw na tumakbo papasok ang mga nilalang na dumalo sa kasal.Agad na nilapitan nina Drake si Reyna Celeste na ngayon ay kinakabahan dahil sa nangyayari.

"Ina pumasok na kayo sa loob kami na ang bahala dito" sambit ni Drake.

"Hindi!Ayoko!Ayokong mapahamak kayong dalawa" nag aalalang ani ni Reyna Celeste at tumingin kay Ziro.Dahan dahang lumapit si Ziro kay Reyna Celeste at niyakap ito ng mahigpit.

"Anak ko" umiiyak na ani ni Reyna Celeste.Sinenyasan ni Reyna Celeste si Drake sa na sumama sa kanila.Agad namang yumakap si Drake.Ramdam ang kasiyahan na kanilang nararamdaman dahil sa wakas ay nakumpleto na sila.

"Ang inyong ama nalang ang kulang at sana kompleto na tayo" malungkot na ani ni Reyna Celeste ng maghiwalay sila mula sa pagkakayakap.

"Ziro!" nagulat silang lahat ng biglang humarang si Propesor Agrapa kay Ziro.

Sinalo ni Propesor Agrapa ang engkantasyon na dapat ay si Ziro ang tatamaan.

Bumagsak si Propesor Agrapa sa damuhan at agad siyang Nilapitan ni Ziro.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon