THHV S2:CHAPTER 6

456 24 1
                                    

Ang Unang Digmaan sa Salidaria

Third Person's Point of View

"Mahal na Hari may natanggap kaming masamang balita" bungad ng Punong Kawal kay Haring Serafino.

"Anong masamang balita ang iyong sinasabi?" kinakabahan tanong ni Haring Serafino.

"Sinalakay ng mga lobo ang ilang kabahayan ng mga bampira.Kasalukuyan din nilang hawak ang isang mortal na sa pagkaka alam ko ay Trisha ang ngalan.At ang mas nakakabahala sa lahat ay naaa kanila ang limang makakapangyarihang diyamante" nanginig ang buong katawan ng Hari sa kaniyang narinig.

"Ipunin ang lahat ng kawal na bampira at sabihing maghanda para sa isang digmaan!" utos ng Hari sa Punong Kawal.Agad namang tumalima sa utos ang kawal.Nag aalalang napatingin si Haring Serafino sa kaniyang asawa na ngayon ay kalong kalong ang bagong silang na sanggol.

"Kinakabahan ako sa maaring mangyari sa ating mga anak"sambit ni Reyna Celeste.

"Ano ang nangyayari ama?" sambit ng batang Drake.

"Ikaw ang mag alaga sa iyong ina at kapatid Drake.Wag mong hahayaang may masaktan sa kanila.Naiintindihan mo ba?" sambit ni Haring Serafino sa batang Drake.Tumango naman si Drake bilang sagot.

"Ako'y aalis na dahil kailangan ako ng ating kalahi.Alagaan niyo ang sarili niyo" ani ni Haring Serafino at hinalikan ang kaniyang Reyna.Hinawakan ni Haring Serafino ang kaniyang babaeng anak.Hinaplos nito ang mukha ng anak niya at hinalikan ang noo.

Agad na lumabas ng palasyo si Haring Serafino dala dala ang isang espada.Tumambad sa kaniya ang mga sugatang lobo at bampira.Agad na hinanap ng kaniyang mata si Loki.Nakita niya itong hawak hawak ang limang makapangyarihang diyamante.Agad tumakbo si Haring Serafino kay Loki.

"Nandito na pala ang Hari ng mga bampira" nakangising ani ni Loki.

"Ano tong ginagawa mo?Kataksilan ang ginagawa niyong pagsugod sa ating kaharian"pilit kinakalma ni Haring Serafino ang kaniyang sarili.

"Ating kaharian!?Pinapatawa mo ba ako!Kelan pa maging atin ang kaharian na ito!Simula't sapol kayong mga bampira ang nag angkin sa kahariang ito!" nangingitngit sa galit na ani ni Loki.

"Pero wag kang mag alala dahil katapusan niyo ng mga bampira!" sambit ni Loki at itinaas ang limang makapangyarihan diyamante at itinapat sa buwan.

Lumabas ang nakakasilaw na ilaw mula sa buwan papunta sa nga diyamante.Pagtama ng ilaw sa mga diyamante ay gumawa ito ng malakas na pagsabog.Tumilapon sina Loki, Haring Serafino at ang lahat ng bampira't lobo na nasa digmaan.

Pinilit tumayo ni Haring Serafino at naglakad palapit kay Loki.Itinapat niya ang kaniyang espada kay Loki.Di makapaniwala si Loki sa mga nangyari.Ang akala niya ay matutulongan siya ng mga diyamante.

"Ang akala mo ba ay matatalo mo ako gamit ang mga bagay na ipinagkaloob sa akin ng mga sirena!?" seryosong sambit ni Haring Serafino.

"Anong nangyari?Bakit hindi gumana ang mga diyamante!?Nasaan na ang mga diyamante!?" di makapaniwalang tanong ni Loki kay Haring Serafino.

"Hindi ganun kadaling gamitin ang bagay na iyon.Hindi tama ang iyong paggamit!Mabuti nalang at nilagyan ng engkantasyon ang mga diyamante laban sa mga magtatangkang gumamit nito!At tsaka wag mo ng tangkaing hanapin pa ang mga diyamante dahil bumalik na ito sa pinagtaguan nila." sagot ni Haring Serafino sa mga tanong ni Loki.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon