THHV S2:CHAPTER 30[FINALE]

1.1K 64 21
                                    

Haven's PoV

Ilang linggo narin ang nakakalipas simula ng makabalik kami sa mundo ng mga mortal.Napabuntong hininga ako ng gumuhit sa aking alaala si Drake.

Kumusta na ba siya?

Okay lang ba siya?

Mainitin parin ba siya?

Madali pa kaya siyang magalit?

Namimiss niya ba ako?

Mahal niya pa ba ako?

Hayst...Ewan

Sigurado akong siya na ang Hari ng mga lobo at bampira.

Masaya akong napagtagumpayan niyang maibalik sa dati ang lahat.

Bago kami umalis sa Salidaria ay nabalitaan kong maayos na ang lahat.

Wala ng Haring Loki na manggugulo sa kanila.

Nakakagulat lang isipan na si Haring Loki pala ang tunay na ama ni Drake.

Bagay na hindi mo aakalaing mangyayari pero totoo.

Sino nga bang mag aakala na ang taong pinakakinamumuhian ni Drake ay ang taong dahilan kung bakit siya nabubuhay ngayon.

Kung bakit ko siya na kilala.

Kung bakit ako masaya.

Kung bakit ko siya minahal.

Nakakalungkot isipin na ganito ang naging ending ng kwento namin.

Aaminin kong naging mahirap at komplikado ang buhay ko ng makilala ko si Drake.

Pero mali bang sabihin kong mas nagkaroon ng kabuluhan ang buhay ko dahil sa kanya.

Maraming nasakripisyo at nasira dahil sa pagmamahal ko kay Drake.

Nawala ang dalawa kong matalik na kaibigan.

Napadungaw ako sa kalangitan mula sa bintana ng kotse.

"Nandiyan na ba kayong dalawa?"Natatawa kong sambit sa aking sarili.

"Baka nag aaway parin kayo diyan ha!Kukutusan ko kayo pag makapunta ako diyan." naramdaman ko ang unti unting pagtulo ng luha ko.

"Miss kona kayo...Miss na miss..." pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"Wag niyo akong kakalimutan ha!Wag kayong maghahanap ng ibang kaibigan kundi kakalbuhin ko talaga kayo!Haha" pilit ang tawa kong sambit.

"Yesha..Im sorry...Sorry na humantong tayo sa puntong sakitan...Sorry kung nasaktan kita..Eh ikaw naman kasi!Ang harsh harsh mo!Baliw na baliw ka talaga dun kay Drake noh!...Ano bang meron dun--" napatigil ako sa pagsasalita ng sambitin ko ang pangalan ni Drake.

"Miss na miss na kitang hayop ka!...Ang sakit sakit...Kahit anong pilit kong kalimutan ka!..Ikaw parin itong tinitibok ng puso ko...Bampira...Bumalik kana...Puntahan mo ako...Miss ko nang inisin ka!...Miss ko ng makita ang mukha mong galit na galit..Hehe..Ang cute cute mo pag galit...Lalo kang gumagwapo alam mo ba yun?...Lalo tuloy nahuhulong tong malandi kong puso!" pinipilit kong ngumiti ngunit hindi nito matago ang lungkot na nararamdaman ko.

Bakit ba kailangan nating masaktan kung nagmamahal?

Bakit ba kailangan nating umiyak pag nasasaktan?

Bakit pa tayo nagmamahal kong masasaktan lang naman?

Ang daming kong bakit pero ni isa wala akong matinong sagot.

Ang alam ko lang at ang tanging bagay na pinanghahawakan ko ay....

You will only know what love feels if you know what pain feels.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon