THHV S2:CHAPTER 26

481 27 4
                                    

Yesha's PoV

"Wala naman.Inalis kolang ang alaala niya tungkol sa mga nalaman niya" nakangisi kong ani kay Xandy.

"Walang hiya ka talaga!" bulyaw niya sa akin.

"Tumahimik ka!Alam mo bang matagal na akong nagtitimpi sayo!Gustong gusto ko ng patayin ang katawang lupa mo pero hindi magawa gawa dahil kailangan ko pa ito!" nanginginig ang bagang kong sigaw sa kanya dahil sa galit.

"Edi patayin mo nalang yang katawang lupa ko!Pakiramdam ko naman patay na ako dahil sa kalagayan ko!Mas gugustuhin kong walang mag may ari sa katawan Ko.Kesa naman gamitin mo sa kasamaan." galit na ani niya sa akin.

"Wag kang mag alala dahil malapit na ang araw kung saan hindi kona kailangan gamitin ang katawan mo" sumilay sa aking mga labi ang isang matamis na ngiti.

"Ano ang ibig mong sabihin?" kinakabahan niyang ani.Ngumisi ako at iniangat ang maliit na boteng nasa bulsa ko.

"Capere!" (to capture) sambit ko at nakita ko ang paghigop ng bote sa kaluluwa ni Xandy.

Inilapit ko sa aking mata ang maliit na bote ng tuluyan ng makapasok dito si Xandy.Napangiti ako ng makita ko ang pagpipilit niyang basagin ang bote.

"Diyan ka muna mahal kong kaibigan habang hindi kopa nasasagawa ang aking plano" ani ko at binulsa ang maliit na bote kung nasaan si Xandy.Dahan dahan akong naglakad kay Haven na ngayon ay walang malay at nakahandusay sa lupa.

"At ikaw naman.Ano bang pwedeng gawin sayo?" sambit ko at napapatingin pa sa taas na wari'y nag iisip.

"Kung patayin na kaya kita" ani ko at nagpakawala ng malakas na tawa na umalingaw ngaw sa buong hardin.

©HeiressWritesStory

Ziro's PoV

"Hoy Kausapin mo naman ako!" sigaw ko habang hinahabol si Jade.Kanina pa kasi niya ako hindi pinapansin at ang init init ng ulo.

"Woi Jade!"

"Ayaw mong lumingon ha!" nakangiti kong ani at agad na Hinablot ang kahoy na nakita ko sa daan.Pagkahablot ko'y agad ko siyang binatao ng kahoy dahilan para inis siyang mapalingon sakin.

"Ano ba!" galit niyang ani kaya agad akong tumakbo palapit sa kanya.

"Ayaw mo kasi akong pansinin eh!Ano bang problema mo?" nanliit ang mata kong tanong sa kanya.

"Wala!" diretcho niyang sagot at tumingin sa malayo.

"Yay nagpapacute!" pang aasar ko at sinundot sundot pa siya sa tagiliran.Agad ko siyang kiniliti ng hindi niya ako pansinin.

"Tumigil ka nga!Ano ba!Sabing tigil na!" pagpupumiglas niya mula sa pangingiliti ko.

"Ang arte ha!Hala bahala ka diyan!Pagpatuloy mo pag iinarte mo!" kunwari inis kong sambit at tinalikuran siya.Hindi pa man ako nakakahakbang ay agad niya na akong niyakap.

"Sorry na..Eh nagseselos lang naman kasi ako..." paglalambing niya na isinusok pa ang ulo niya sa akin.

"Nagseselos kanino?" mataray kong sambit habang pinipigil ko ang tawa ko.

"Doon sa kawal..Hinawakan kasi yung kamay mo!...Ayoko nun!Dapat ako lang hahawak sa kamay mo!" parang bata niyang ani na nagpangiti sa akin.

Dahan dahan akong humarap sa kanya habang magkayakap parin kami.Napatawa ako ng kaunti ng makita kong nagpapacute siya sa akin.Hayop na toh!Ang landi landi.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon