THHV S1:Chapter 43

673 30 0
                                    

Haven's PoV

"Abra la puerta. La puerta al otro mundo." (Open the door.The door to the other world.) makahulugang ani ni Drake at bumulaga sa akin ang mga makukulay at matitingkad na ilaw na naghugis pinto.Hinatak ako ni Drake papunta sa makulay na pintong iyon at nilamon ako ng liwanag.

Pagmulat ko ay bumungad sa akin ang mga naglalakihan at nag gagandahang puno at halaman.Napatingin ako kay Drake na nasa tabi ko at nakangiti ng malapad sa akin.

"Ito ang mundong pinanggalingan ko" paliwanag niya sa akin.

"Nasaan tayo?" taka kong tanong habang inililibot ang paningin ko.

"Sino kayo!?" bigla akong kinabahan ng may makarinig na sigaw at biglang may lumabas na mga taong may katawang ahas.Naglakad papunta sa harapan ko si Drake.

"Huwag kayong lalapit!" pagbabanta ni Drake sa mga taong may katawang ahas.Kilabot ang gumapang sa katawan ko habang pinagmamasdan ang mga nilalang na nasa harapan ko.Ang bawat isa sa kanila ay may hawak na sibat.Mas lalong nagpapadagdag sa kaba ko ang mga dilang labas masok sa kanilang mga bibig.

"What the hell are they!?" kinikilabutan kong tanong kay Drake.

"Sila ang mga Sernum" sagot ni Drake habang nakatingin parin sa mga taong ahas na tinawag niyang mga Sernum.

"Sernum?" takang tanong ko

"Taong ahas.Kakambal nila ang mga tikbalang.Sila ang naninirahan at nangangalaga ng Gubat Tebris.May kapangyarihan silang gawing bato ang anomang bagay gamit ang kanilang mga laway" paliwanag ni Drake.

"Ano ang sadya ng Prinsipe ng mga Bampira at napadpad ka sa Gubat Tebris?" tanong ng isang taong ahas na parang tumatayong lider ng mga Sernum.

"Kami'y napadaan lamang dahil kami ay papunta sa MalusFidem" sagot ni Drake dun sa hari ng mga Sernum.

"Nakapagtataka na wala kang kasamang kawal at tagapangalaga mahal na Prinsipe.At maari ko bang tanungin kung bakit may kasama kang isang Mortal!?" panggigisa nung hari habang nakatingin ng masama sa akin.

"Matalas ang iyong dila para bastusin ang babaeng pakakasalan ko" mararamdaman ang inis sa tono ng pananalita ni Drake.Ibayong kaba ang nararamdaman ko ngayon.Nandito ako sa mundong hindi ko kinalakihan at ibang iba sa mundo ng mga tao.

"Kung gayon tama ang nasagap naming balita na ikakasal na ang prinsipe ng mga bampira."

"May problema kaba dun?" ano ba naman tong si Drake hanggang dito ba naman ang angas magsalita.Ipaalala kolang sa kanya na ibang nilalang yung kaharap namin ngayon.Hindi sila kagaya ng mga mortal na madali kang saktan.

"Oo!Malaki!Kayong mga bampira ang palaging nagdadala ng gulo dito sa Salidaria.At dahil yun sa walang kwentang kasunduan sa pagitan niyo at ng mga mortal.Mga mortal na umubos sa lahi naming mga Sernum!" nag ngingitngit sa galit ang hari.

"Kaya ang dapat sa mortal na iyan ay PATAYIN!" anunsyo ng Hari at isa isang sumugod ang mga Sernum sa akin.Pinalayo ako ni Drake at nakita muli ng dalawang mata ko ang pagbabagong anyo ni Drake.Mga pangil,mapupulang mata at mahahabang kuko.

Parang kidlat sa bilis na sumugod ang mga Sernum kay Drake.Ngunit isa isa niya itong sinugatan.Ang iba ay napuruhan at kalaunan ay namatay.Pagkamangha at takot ang bumalot sa pagkatao ko habang nakikita ko kong paano maging abo ang mga Sernum at ihipin ng malakas na hangin.

Sa dami ng mga Sernum ay nagtamo ng sugat si Drake.Napalapit ako ng makita ko kung paano nanigas si Drake at unti unting naging bato ang mga parte na nakagat ng mga Sernum.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon