THHV S1:Chapter 28

996 38 0
                                    

Third Person Point of View

Sa mundo kung saan naninirahan ang mga nilalang na may ibat ibang kakayahan at kapangyarihan.Sa mundo kung saan lahat ng imposible ay pwedeng mangyari.Ito ang mundo ng Salidaria.

Ang Salidaria ay Binubuo ng limang kaharian na pinaninirahan ng ibat ibang Nilalang.

Ang una ay ang Kaharian ng Terra Fantasia,kung saan naninirahan ang mga Vilamajika.Ang mga Vilamajika ay mga nilalang na may mga pakpak na kagaya ng mga diwata.Sila ay tanyag sa pagiging magaling sa paggawa ng mga potion.Sa kanila ipinagkaloob ng Bathala ang Libro ng Buhay kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga tao at mga nilalang sa Salidaria na Buhay pa.

Ang Kaharian ng Terra autem Alba ay ang pangalawang kaharian sa Salidaria.Ito ay pinaninirahan ng mga Bampira na tanyag sa galing nilang gumawa ng pandigmang sandata.Noon magkasama sa Terra Autem Alba ang mga Bampira at Lobo ngunit,nagkaroon ng malaking alitan sa pagitan ng mga Lobo at Bampira kaya pinaghiwalay sila ng Bathala.

Sa Kaharian naman ng Lupus in terra ipinadala ni Bathala ang mga Lobo.Tanyang ang mga Lobo sa pagiging mapanlinlang at mapagkunwari.Sila ang naging dahilan ng unang digmaan sa Salidaria ng mapagtagumpayan nilang makuha ang Limang Makapangyarihang Diyamente na pinangangalagaan ng mga Mago.

Sa Kaharian ng Aqua Ventus naninirahan ang mga nilalang na tinatawag na Sirena.Tanyag ang mga Serina sa maganda nilang boses at kaakit akit na mga mukha.Makikita sa Aqua Ventus ang lagusan papuntang Kaharian ng mga Hora na tanging mga Diyos lamang ang nakakapunta.

Ang Kaharian ng Malusfidem ay ang pinakasentro ng Salidaria.Pinanirahan ng mga Mago at Salamangkero ang kahariang ito.Sila ay tanyag sa pagiging mahusay sa Mahika at Enkantasyon.Makikita sa kahariang ito ang tanging paaralan sa Salidaria ang Academia El Magica.

Ang huling Kaharian ay ang tanging kaharian sa Salidaria na hindi nakikita ng ordinaryong nilalang.Ito ang kaharian ng mga Diyos at Bathala ng Salidaria.Ang Kaharian ng Hora.Sinasabing dito nagpupunta ang mga yumaong tao at mga nilalang.

Maaninag sa buong Salidaria ang mga matitingkad na palamuting nakapalibot sa buong Kaharian ng Terra Autem Alba.Masasayang nagkwekwentohan at nagsasayawan ang mga bampirang animo'y parang isang normal lang na tao.Sa araw kasi na ito ang ikawalong kaarawan ng Prinsipe ng mga Bampira na si Drake.Nakangiting ito habang naglalakad paalis ng palasyo kasama ang kaniyang ama na siyang Heneral o hari ng mga Bampira.Sila ay papunta sa Terra Fantasia para kamustahin ang Voda Fe Fantasia.Sakay ng karwahe ay dali dali silang nagtungo ng Terra Fantasia.

"Naibigan mo ba ang naging sorpresa ko sa iyo anak?" nakangiting tanong ng Heneral sa kaniyang anak.

"Masayang masaya po ako!Ngunit diko po maiwasang malungkot tuwing naaalala ko si ina" malungkot na ani ng batang si Drake.

"Wag kang mag alala makikita natin ang ina mo..Papunta tayo ngayon sa kanya" nabuhayan ang batang si Drake ng bigkasin iyon ng kaniyang ama.

"Talaga po?Dadalaw tayo kay ina?Pupunta tayo ng Terra Fantasia?" suNod na sunod na tanong ni Drake kaya tumango ang Heneral upang sagot sa tanong ng kaniyang anak.Niyakap ng mahigpit ni Drake ang kaniyang dahil sa sayang naramdaman niya.

Nagulat ang dalawa ng biglang nakarinig sila ng pagsabok at pag alog ng kanilang karwaheng sinasakyan.

"Dito kalang may titingnan lang ako" bilin ng Heneral sa kaniyang anak

"Ano po bang nangyayari?Mag ingat po kayo!" nag alalang ani ng bata habang tinitingnan ang kaniyang amang lumabas ng karwahe.

Mula sa maliit na butas kitang Kita ng batang si Drake kung paano nagbago ang anyo ng kaniyang ama.Tinambangan ng mga lobo ang karwahe ng Heneral ng mga Bampira.Pinamumunuan ito ng Heneral ng mga lobo na nanlilisik ang matang nakatingin sa Heneral ng mga Bampira.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon