THHV S1:Chapter 45

733 27 0
                                    

Haven's PoV

"So saan yung next stop natin?" excited kong ani.

"Mukhang excited ata ang asawa ko." nakangiting ani ni Drake at kinurot ang pisngi ko.

"Excited ako sa mga sunod kong makikita at matutuklasan"nakangiti kong ani.

"Naku wag mo paring kakalimutan.Isa ka paring mortal.Hindi lahat ng nilalang na andito mabait.Mas delikado pag may makalaban tayo dito." seryoso niyang sambit na ikinakunot ng noo ko

"Ang nega minsan lang nga ako maging excited tssk" kunwari galit kong ani.

"Oh siya hindi na..Smile now asawa ko" pagpapakyut niya at hinawakan ang pisngi ko.

"Oh andito na pala tayo" ani niya at dumungaw mula sa bintana ng kalesa.

Inalalayan ako ni Drake na makababa ng kalesa.Bumungad sa akin ang isang malaki paaralan na gawa sa bato.Kung tutuusin mas malaki ang paaralan na nakikita ko ngayon kumpara sa Mercurians University na pag mamay ari namin.May limang bandilang nakatusok sa pinakatuktok ng paaralan.

"Ito ang Kaharian ng Malusfidem,ang nag iisang kaharian kung saan may paaralan,ang Academia El Magica.Ito yung sinasabi ko sa iyo na tumatanggap ng mga mortal na mag aaral.Dito ako dati nag aaral pero nahinto rin at napagdesisyunan ng aking ama na ipasok ako sa paaralan ng mga mortal." paliwanag sa akin ni Drake habang naglalakad kami papasok sa paaralan.

"Dito rin ba nag aral si Yesha at Xandy?" tanong ko at tumango si Drake Bilang sagot.Tumahimik nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Bakit mag kakaiba ang kulay ng mga robe nila?" taka kong tanong kay Drake habang nakatingin sa mga estudyante nakasuot ng iba't ibang kulay ng robe.

"Ang bawat kulay ay rumerepresent sa schoolhouse nila." sagot sa akin ni Drake habang diretsong nakatingin.

"Schoolhouse?"

"Parang team.May limang Schoolhouse ang paaralan,ito ay ang Galleo,Verde,Azul,Cahel at Roxo." ani ni Drake at tinuro isa isa ang kulay dilaw,berde,asul,kahel at pula.

"Ikaw anong schoolhouse mo dati?" tanong ko

"Roxo" mabilis niyang sagot

"Si Yesha!?" tanong ko

"Pareho kami" ani niya

"Ahh..." walang gana kong ani

"Nagseselos kaba?" huminto siya at hinarap ako.

"Selos agad?Diba pwedeng wala lang akong gana" natatawa kong ani habang nakatingin sa nakakunot niyang noo.

"Tssk.Kanina excited na excited ka ngayon na andito na tayo,wala kang gana" inis niyang ani at mabilis na naglakad.Sinundan ko naman siya at hinawakan ang balikat niya.

"Hoi wag ka ng magalit" pagpapakyut ko sa kanya pero di niya ako pinapansin.

"Ay arte!Iiwan kita tamo!" inis kong ani at binitawan ang braso niya.Agad naman siyang tumingin sa akin na maamo na ang mukha.

"Sabi ng hindi na ako galit" nakangisi niyang ani at kinurot ang pisngi ko.

"Kung hindi lang kita mahal naku!" sambit niya at nakangiting hinawakan ang kamay.Naglakad kami habang magkahawak ang kamay.Mababaw man lang na bagay ang hawakan niya ang kamay ko pero kinikilig ako.Sana hanggang sa pagtanda ko kamay mo ang hawak ko.I hope until my last breath you will be there holding my hands tightly.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon