THHV S2:CHAPTER 5

454 20 1
                                    

Bago ang Unang Digmaan sa Salidaria

Paalala:Ang lahat ng mababasa niyo ay ang mga totoong nangyari bago ang unang digmaan sa Salidaria.Ang ano mang mga pangyayaring tatalima sa mga sinabi ng mga karakter sa unang mga kapitulo ay maaring nabago dahil sa pagdaan ng maraming panahon.

Third Person's Point of View

Ang lahat na nasa bulwagan ng palasyo ay nalulungkot sa pagbibitiw ng kanilang pinuno.May ilang hindi napigilang maging emosyonal dahil sa bigat ng kanilang pinagdadaanan ngayon.Ito ang araw ng pagbitiw sa pwesto ni Reyna Anastasia.Napagdesisyunan kasi ng Reyna na sumama na siya sa kaniyang asawang mortal na si Eduardo.

"Ngayon ay pormal akong bumaba sa aking katungkulan at ipinagkakaloob ko ang aking trono sa aking matalik na kaibigan" anunsyo ni Reyna Anastasia at inilagay niya ang kaniyang korona sa ulo ni Vladimir na kaniyang kaibigan.Sinabayan ito ng masigabong palakpakan mula sa mga bampira at lobo.

Napatingin ang lahat sa kalangitan ng biglang kumulog ng malakas.Gumuhit ang nakakasilaw na liwanag ng kidlat.Nang mawala ang liwanag ay gumuhit ang isang mukha sa buwan.

Ang lahat ay nagbigay galang ng masaksihan nila ang mukha ng kanilang bathala.Bakas sa mukha ni Reyna Anastasia ang takot at pangamba.Hinawakan ang kaniyang kamay ni Eduardo dahilan para gumaan ang kaniyang pakiramdam.

"Nagngangalit ang Diyos ng Balanse dahil sa kasalanang iyong ginawa!" binalot ng takot at kaba ang buong Salidaria ng marinig nila sa unang pagkakataon ang boses ng kanilang Bathala.

"Alam mong isang malaking kasalanan ang umibig sa isang mortal!Ngunit sinuway mo parin ito.Sasang ayon lamang kami sa iyong pagbibitaw kong buong puso mong tatanggapin ang isang parusa" anunsyo ng Bathala na nagdulot ng malakas na bulong-bulongan.

"Buong puso kong tatanggapin ang inyong parusa" walang pag aalinlangang ani ni Reyna Anatasia.

"Anastasia ikaw ay aking pinapatawan ng parusa na ang dugong bampira na nananalaytay sa ugat mo ay magpapatuloy sa mga susunod na henerasyon ng iyong lahi.Ang unang babaeng isisilang sa ikalimang henerasyon niyo ay ikakasal sa magiging Hari ng Terra Autem Alba.Kapalit ng pagsuway sa kasunduan ay buhay ng buong angkan niyo!" labis ang kabang bumalot sa magkasingtahan si Anastasia at Eduardo.

"Ang lahat ng aking itinuran ay siyang mangyayari!" makahulugang sambit ng Bathala.Muling binalot ng nakakasilaw na liwanag ang buong Salidaria at kasabay nito ang paglaho ng mukha ng Bathala sa buwan.

Pagkatapos ng nakakakilabot na tagpong iyon ay tuluyan ng namaalam si Reyna Anastasia sa mga Lobo at Bampira.Nanirahan ng mapaya ang mag asawang Anastasia at Eduardo na nagka anak ng dalawang lalaki.Ipina alam ng mag asawa sa kanilang mga anak,ang tungkol sa kaparusahan na iginawad sa kanila ng Bathala.Ikwenekwento ang kaparusahang iginawad sa kanilang angkan sa bawat batang isisilang sa angkan nila.

Sa kabilang banda,naging maayos ang pamumuno ng mga nagdaang Hari sa Kaharian ng Terra Autem Alba.Hindi parin nawala sa isipan nila ang tungkol sa kasunduang ginawa ng kanilang Bathala.Sa araw na ito ay ang muling pagpili ng bagong Hari ng Terra Autem Alba.Nasa kamay ng kasalukuyang Hari kong sino kina Serafino na isang bampira at Loki na isang Lobo ang sunod na magiging Hari.

"Ang susunod na Hari ng Terra Autem Alba base sa desisyon ng ating Hari ay walang iba kundi si Serafino!" anunsyo ng punong konseho.Nagdiwang ang lahat ng bampira dahil sa pagkakatalaga ni Serafino bilang Hari.Kabaliktaran naman ang nararamdaman ng mga lobo dahil wala pang lobo ang naging Hari.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon