THHV S1:Chapter 46

610 25 1
                                    

Drake's PoV

"So tinuloy mo parin ang balak mong pakasalan siya.Kahit alam mong malalagay ang buhay niya sa kapahamakan" pailing iling na ani ni Lorenx sa akin.

"Mahal ko siya dre!I can't see her marrying other man.Gusto ko ako yung ikakasal sa kanya.Gusto ko ako yung makikita niya tuwing gigising siya.Gusto ko ako ang kasama niya kumain.Gusto ko ako yung nandun pag umiiyak siya.Gusto ko ako yung kasama niyang tumanda.I badly want her to be mine that i don't care if im taking a big risk" napabuntong hininga ako sa sinabi ko na ikinailing iling ni Lorenx habang nakangisi.

"Iba nayang tama mo dre!Malala kana.So anong balak mo?Alam mong kung ikasal kayo,dito na siya maninirahan sa mundo niyo.Sa mundo kung saan hindi siya sanay.Sa mundo kung saan marami kang kaaway." seryosong ani ni Lorenx habang nakatingin sa magpinsan na naglalakad palayo samin.

Matagal ng alam ni Lorenx ang tungkol sakin.Nakita niya ako dun sa gilid ng Theatre Hall na nakikipag away kay Argus,kaya ipinagtapat ko sa kanya ang totoo.Nagulat nga ako dahil hindi siya natakot sa isinuliwalat ko.Yun pala kilala niya na ako dati pa.Isa rin pala siyang Mago(A/N:Mago means Wizard or Magician.Mago rin ang tawag sa mag aaral ng Academia El Magica at ang mga naninirahan sa Kaharian ng Malusfidem).Though hindi siya yung tipikal na Mago na galing sa isang makapangyarihang angkan o kaya'y ipinanganak na may kapangyarihan.Isa lang siyang ordinaryong taong nag nanais matutong gumamit ng kapangyarihan kaya siya nag aral dito sa Academia El Magica.

"Ipagtatanggol ko siya sa abot ng aking makakaya.Sa tingin ko naman magiging masaya siya dito dahil kasama niya ako.Sa tingin ko?" isang malalim na buntong hininga na naman ang pinakawalan ko.Tinapik ni Lorenx ang balikat ko at inakbayan ako.

"Ang arte mo dre!Hindi bagay sayo" natatawa niyang ani na ikintawa ko nalang din.Naglakad kami ni Lorenx palapit kina Haven na nakahinto ngayon.Napakunot ako ng noo ng mapagtantong kausap nila ang Inang Vates(A/N:Ang Vates ay tawag sa nilalang na nakakahula ng maaring mangyari sa hinaharap).Bigla akong nakaramdam ng kaba ng makita kong hawak hawak ng Inang Vates ang kamay ni Haven.Agad akong napatakbo kina Haven at kasabay nito ay ang paglisan ng Inang Vates.

"Anong sinabi niya?" nag aalala kong tanong kay Haven na nakatulala at nakatingin kay Inang Vates na papalayo na.

"Weird" bulalas ni Aislinn kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.

"Si Manang kasi kung ano ano sinasabi.She was telling Haven na kailangan niya daw lumayo." sagot ni Aislinn

"Saan?Kanino?Bakit?" sunod sunod kung tanong,ramdam ang kabang bumabalot sa pagkatao ko.

"Hindi ko alam diko nagets yung sinabi ni Manang.Sino ba yun?" curious niyang tanong at napatingin sakin

"Ah Ewan" pagtanggi ko at nilingon ulit si Haven na nakatulala parin.

"Tara na nga dun sa palasyo para makauwi na tayo" sambit ko at hinila si Haven.

"Oh my Gosh palasyo sama kami!" sigaw ni Aislinn at sumunod na naglakad samin.

©HeiressWritesStory

Xandy's PoV

"Kahit kailan talaga ang hina hina mo!" bulyaw sa akin ni Yesha.

Nakatingin ako ngayon sa salamin kung saan makikita ang repleksyon ng mukha ni Yesha.Isang linggo ding kinontrol ni Yesha ang katawan ko at ngayon kolang ito nagamit.Ramdam ko ang panghihina ng kaluluwa ko dahil sa matagal na pagsakop ni Yesha sa kabuoan ko.Pilit akong lumalaban sa kanya ngunit paulit ulit din akong natatalo.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon