THHV S1:Chapter 39

759 27 1
                                    

Haven's PoV

"Haven?" gulat na bungad sa akin ni Zero

"Oh bat parang nagulat ka na makita ako?" nakangisi kong ani at napakuyom

"So totoo ngang nagbalik kana?" ani niya at binaba ang wine na iniinom niya at lumapit sa akin.

"Bakit natatakot kaba dahil nagbalik na ako?" mayabang kong sambit na ikinatawa niya.

"Wag mo akong patawanin Haven" sambit niya at tiningnan ako ng masama.

"Lubayan mo ang Phytons kung ayaw mong mabura ang Phyrex!" pagbabanta ko sa kanya.

"Wag mo akong takutin Haven!Uubusin ko ang lahat ng Kagang mo!Sisiguraduhin kong mabubura ang Phytons" bulyaw niya sa akin na nagbigay sa akin ng labis na galit dahilan para kwelyuhan ko siya.Agad na napalapit sa akin ang kagangmate ni Zero na agad niya namang hinarang gamit ang kamay niya.

Nandito ako ngayon sa headquarters ng Phyrex ang matinding kaaway ng Phytons.Si Zero ang leader ng Phyrex at matagal ng may namamagitang alitan sa aming dalawa.Dati kong kagang si Zero ngunit dahil sa inggit ay kinalaban niya ako at nagtayo siya ng sarili niyang gang ang Phyrex.

"Natalo na kita dati kaya sisiw lang saking talunin ka!" marahas kong binitawan ang kwelyo niya.

"Wag kang masyadong kampante baka nakakalimutan mong hawak ko si Cassandra at Ysa Marie" ani niya

"Asan sila!?Binabalaan kita Zero pag may mangyaring masama sa kanilang dalawa sisiguraduhin kong sa kangkungan ka pupulutin" iNis kong sambit

"Wag kang puro dada Haven!Gawin mo!" sigaw niya sa akin.Hindi kona siya sinagot at tinalikuran na sila.

Pagkalabas ko sa Headquarters ng Phyrex agad kong naalala si Drake.Nasa Headquarters namin si Drake kaya agad akong pumunta dun.

"Queen" masayang bati sa akin ni Shantel at yumuko pagdating ko.

"Oh My Gosh!Queeeeeeeennnnnn!" masiglang ani ni Rexha at Niyakap ako.

"Miss kana namin Queen" ani niya habang nakayakap sa akin.

"Miss ko narin kayo" nakangiti kong ani sa kanila.

"Asan si Drake?" tanong ko kay Shantel tsaka inunguso niya ang nagiisang kwarto dito sa headquarters namin.Naglakad ako papunta dun agad uminit ang ulo ko ng makita si Drake na nakikipagtawanan sa mga kagangmate ko.

"Queen" sabay sabay na bati sa akin ng Kagangmate ko ng mapansin nila ako.

"Get out" walang emosyon kong ani at nag uunahan silang tumakbo paalis.

"Ang possessive naman ng asawa ko" nakangising ani ni Drake.

"Anong pinagsasabi mo?" inis kong ani sa kanya at umupo sa katabi niyang upuan.Bumangon naman si Drake sa pagkakahiga at hinarap ako.

"Sabi ko ang possessive mo naman wag kang mag alala asawa ko sayo lang to lahat" mayabang niyang ani.

"Yucks ka Drake!" inis kong ani na ikinatawa niya

"Sa gwapo kong to tsaka sa sarap ng katawan ko magyuyucks ka diyan!Hindi yan tama Asawa ko!Bawal tumanggi sa grasya" ngising asong sambit niya.

"Kung hambalusin kaya kita diyan!Kumusta na yang sugat mo?" seryoso kong ani at naalala ko na naman ang nangyari kanina.

"Okey naman na ako" nakangiti niyang ani

"Bakit nawala yung sugat mo?" walang pag aalinlangan kong tanong.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon