THHV S2:CHAPTER 15

417 26 3
                                    

Drake's PoV

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata ng may marinig akong kaluskos.Bumungad sa akin ang madilim na silid.

"Haven" mahinang usal ko at hinanap ng aking mga mata si Haven.

Nabalot ng lungkot ang aking puso ng hindi ko siya nakita o kahit manlang ang kaniyang anino.

Muli kong pinikit ang aking mga mata at inalala ang mukha ng babaeng pinakamamahal ko.

Aaminin kong nagalit ako dahil sa ginawa niya.

Siya ang dahilan ng pagbagsak ng aming lahi.

Siya ang dahilan ng pagkawala ng orb o kapayangyarihan naming mga bampira.

Pero....

Mahal ko siya.

At hindi iyon mababago kahit anong galit pa man ang maramdaman ko.

Siya parin ang babaeng minahal ko ng buong puso.

Ang babaeng pinangakuan ko ng habang buhay na pagmamahal.

Malabo mang ikasal kami dahil lobo siya at bampira ako.

Gaya ng sinabi ko sa kanya ay handa akong dayain ang sumpa at si tadhana.

Maikasal lang ako kay Haven.

Naimulat ko ang mga mata ko ng marinig kong may kumatok sa pinto.Nalaman ko nalang na dahan dahan itong binuksan at iniluwa nito si Xandy na may dala dalang pagkain.Ngumiti ito habang naglalakad papalapit sa akin.Bumangon ako sa pagkakahiga ko.Agad naman siyang lumapit sa akin na halatang nag aalala sa akin.

"Wag ka muna bumangon.Kailangan mong magpahinga" nag aalala niyang tanong pero inis kong tinabig ang kamay niya.Napahiya naman siyang inalis ang kaniyang kamay sa pagkakawahak sa akin.Wala sa mood akong sumandal sa headboard ng higaan.

Inilapag niya ang dala niyang pagkain sa mesa na nasa kwartong kinalalagyan ko.Nakangiti siyang muling ibinaling sa akin ang paningin niya.

"Anong kailangan mo?" walang gana kong sambit.

"Ah dinadalaw ka...Kumusta kana ba?Masakit paba yung katawan mo?" nag aalala niyang tanong habang chinicheck ako.

"Okey na ako.Pwede kana umalis" diretso kong sambit at itinuro sa kaniya ang pinto.

"Wag mo naman akong ipagtabuyan ng ganito.Alam mo bang nasasaktan ako" mangiyak ngiyak niyang tanong.Inismiran ko lang siya at tiningnan na para wala akong pake sa sinasabi niya.

"Ano pa bang dapat nating pag usapan?" inis kong sambit.

"Tungkol sa atin" diretso niyang sagot.

"Huh?" nakakunot ang noo kong tanong.

"We need to talk about us" nakangiti niyang sambit sa akin at

"Us?" mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Yes Drake.Us.You and Me" tila parang baliw siyang nakangiti sa akin.

"Xandy...Matagal na tayong wala...Yung "Us" na sinasabi mo,matagal ng tapos...Nakakalimutan mo na bang ikaw yung tumapos..Kaya wag kang magmakaawa sa akin na parang ako yung tumapos sa "Us" na sinasabi mo...Matagal na tayong wala...May iba na akong mahal...Yung " Us" mo,ikaw nalang..Wala ng ikaw at ako...Dahil iba na ang mahal ko..At hindi ikaw yun" mahabang lintaya ko.Nakita ko ang pangingilid ng luha sa kaniyang mata.Marahas niya pinahiran ang mata niya ng unti unting umagos ang mga luha sa kaniyang mata.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon