THHV S1:Chapter 35

801 32 2
                                    

Haven's PoV

Napabalikwas ako sa pagbangon ng maramdaman kong may tumatapik sakin.Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakita ang imahe ng mukha ng isang babae.

"Okey kana ba couz?" bungad sa akin ni Aislinn ng bumangon na ako.

Inilibot ko ang paningin ko at nakitang nasa tent parin kami ng camping site.Napamasahe ako sa ulo ko ng sumakit ito.

"Couz?Hello naririnig mo ba ako?Oh my gosh!Nagka amnesia kaba?Couz ako to si Aislinn..Kilala mo paba ako?" nag aalalang tanong sa akin ni Aislinn na nagpatawa sakin.

"Okey lang ako couz..Ano bang nangyari?" nagtataka kong tanong

"Wala kang naalala?" gulat na tanong ni Aislinn sakin

"Wala...Ang naalala kolang pumunta tayo dito tas nakatulog ako tas...ewan...Ano bang nangyari?"  taka kong tanong.

"Well wala rin naman akong alam basta nung isang gabi dinala ka nalang dito ni Jade na walang malay...Tsaka couz grabe ka magdadalawang araw kang tulog" nagulat ako ng sabihin yun ni Aislinn.

"Tara na nga sa labas may activity ngayon tsaka kumain kana rin couz baka nagugutom kana" tumango nalang ako at lumabas na kami ng tent.

Napatingala ako sa mga bituin sa langit gabi na pala.Diko alam pero bakit parang ang bilis ng tibok ng puso ko tas parang hinahanap niya si...Si Drake.I don't know diko maexplain pero parang gusto ko siyang makita.Diko maintindihan kasi yung naalala ko magkaaway kami pero why am i acting like these.Para akong timang na nakahawak sa labi ko.

"Hoy okey kalang couz?" tanong sakin ni Aislinn at binigyan ako ng pagkain.

Sinundan ko siya at nakita ko ang malaking kumpulan ng mga estudyante at sa gitna nito ay may bonfire.Halos lahat ng na kagrade level namin andito.Umupo na kami ni Aislinn sa bakanteng upuan.

"Hi?" bungad samin ni Logan,napako ang paningin ko kay Drake na nakatingin rin sa akin.Agad kong iNiwas ang tingin ko sa kanya.

"Oh bakit ka andito!" masungit na ani ni Aislinn

"Oh bakit highblood kana naman?" nakangising ani ni Logan.

"Nakita kona naman kasi yang pagmumukha mo na nakaka asar!" galit na ani ni Aislinn kay Logan.

Umupo sa tabi ko si Drake at sa tabi naman ni Aislinn ay si Logan na nakatanggap ng suntok at tadyak sa pinsan ko.Napatawa tuloy ako sa kabaliwan ng dalawang toh.Hindi ko magawang tingnan or lingunin manlang si Drake kasi naiilang ako.

"Naku nagseselos kaba dun sa mga chikababes na lumapit sakin kanina?" nakangising ani ni Logan.

Tingnan motong dalawa nato,kung hindi ko to kilala aakalain kong sila na.Wait...Baka sila na nga sambit ko sa isipan ko at napangisi.

Iba talaga nagagawa ng love,noon ang seryoso nitong si Logan ni ayaw umimik pero pag sila ni Aislinn magkasama naku ang ingay ingay tinalo pa ako.

"Ulol asa ka!Dun ka nga sa mga pokpok mong kaibigan!" galit na galit na ani ni Aislinn at binato si Logan ng tsinelas niya dahilan para mapatawa kami ni Drake.Nagkatinginan kaming dalawa at agad na binaling sa iba ang mga paningin namin.Nakakailang my gosh!

"Haven?" napalingon agad ako kay Drake ng banggitin niya ang pangalan ko.

"Bakit?" pinilit kong maging normal yung pagsasalita ko.Kasi ewan parang kinikilig ako at hindi ko mapigilan yun.Diko alam kong anong nangyayari sakin pero nakakaba ang presensya ni Drake.

"This may sound weird pero ako ba unang hinanap mo nung nagising ka?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya "Ang weird noh hehe..Don't worry its okey if you dont answer my questions---"

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon