THHV S2:CHAPTER 12

449 34 5
                                    

Haven's PoV

"Hello?" sigaw ko habang tumitingin sa paligid.

Sobrang dilim ni halos wala akong makita.

Hindi ko alam kong nasaan ako.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Unti unting nangatog ang tuhod ko kasabay ng pamamawis ko.

Ilang beses akong lumingon nagbabakasakaling may makita akong kakilala ko.

"Haven" napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

"Drake?" mangiyak ngiyak kong sambit at hinanap kong nasaan siya.

Wala talaga akong makita.

Sobrang dilim.

Nasaan ako?

"Drake!" muli kong tawag sa kanya.

"Drake!" sigaw ko ulit kasabay ng pagbuhos ng mga luha mula sa mata ko.

"Haven" narinig kong bulong ni Drake.

Muli akong lumingon sa pinanggalingan nito.

Dahan dahan akong naglakad.

Hakbang.

Lakad.

Hakbang.

Lakad.

Hakbang.

Lakad.

Napatumba ako ng biglang may nagsulpotang mapupulang mga mata na lahat ay nakatingin sa akin ng masama.

Binalot ako ng takot dahil sa mga titig nila.

Inilibot ko ang paningin ko,takot ang bumalot sa buong katawan ko ng makitang pinapalibotan ako ng mapupulang mata na kung hindi ako nagkakamali ay mata ng mga bampira.

"Drake!" natatakot kong sigaw.

Papalapit ng papalapit ang mga mata na aking nakikita.

"Ikaw!" sabay sabay nilang sigaw.

"Ikaw!" pag uulit nila napatakip ako ng tenga dahil papalakas ang boses nila.

Pinikit ko ang mata ko.

Patuloy kong tinatakpan ang tenga ko gamit ang nanginginig kong kamay.

Palakas ng palakas ang kanilang pagsambit ng Ikaw.

Papalakas.

Papalapit.

Papalakas.

Katahimikan.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko ng wala na akong marinig na sumisigaw.

Nawala ang mga matang nalapalibot sa akin.

"Ikaw ang dahilan ng pagbagsak ng mga bampira!" biglang sumulpot sa aking harapan ang larawan ng mukha ni Drake na galit na galit.

"Hindi!" nagpakawala ako ng malalim na hininga kasabay ng pagmulat ng aking mata at pagbangon ko sa aking pagkakahiga.

Hinihingal ako at sobra ang aking pamamawis.

Isang masamang panaginip.

Unti unting gumuhit sa isipan ko ang nangyari kanina.

"Si Drake" mahinang usal ko at mabilis na tumayo mula sa aking higaan.

Agad akong lumabas ng kwarto ko.Naririnig ko ang ingay na nagmumula sa baba ng palasyo.Mas binilisan ko ang aking pagtakbo ng marinig ko ang pagtangis ng ilang mga bampira.Tanging mga lobong adjútor(katulong) lamang ang aking nakakasalubong.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon