THHV S1:Chapter 44

684 23 0
                                    

Haven's PoV

"Okay ka lang ba iha?" napalingon ako sa pintuan ng iniluwa nito ang ina ni Drake.Isang araw narin ang lumipas simula ng makarating ako dito.Nakilala ko narin ang ina at ang kasalukuyang hari ng mga bampira.

Nakangiti akong pinagmamasdan ang ina ni Drake na naglalakad palapit sa akin.Hanggang ngayon namamangha parin ako sa angkin niyang kagandahan.

"Naging maayos ba ang iyong tulog iha?" masigla niyang tanong at tumabi sa akin.

"Ah Opo...Okey naman po yung tulog ko" nakangiti kong sagot sa kanya.

"Tara na at bumaba na tayo ng makakain na tayo" ani niya at tumayo.

Sinundan ko siya sa paglalakad hanggang makapunta kami sa dining hall ng palasyo.Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na nakapasok ako sa ganitong kagandang palasyo.Hindi naman ako bago sa mga palasyo dahil narin sa yaman ng pamilya namin.Pero iba ang palasyo na ito,halos lahat ng gamit ay parang gawa sa ginto at mamahaling diyamante.

Maraming gwardiya at katulong ang nakapalibot sa buong dining hall.Nasa gitna ng dining Hall ang isang mahabang lamesa na warii'y kayang punan ang lahat ng bampira.Napangisi ako ng malapad ng makita ko ang mga masasarap na pagkaing nakahain sa lamesa.Sinabi narin sa akin ni Drake na kumakain naman pala ng pagkain ng tao ang mga bampira.

Aminin ko man o hindi nagiilang parin ako sa nangyayari.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.Nandoon parin yung kaba,ikaw ba naman palibutan ng mga bampira.Sabihin na nating may dugo akong bampira,pero ang sabi nga sa akin ni Drake malabong maging bampira ako.I mean hindi ako mag aanyong bampira.

"How was your sleep?" nakangiting bati sa akin ni Drake ng makaupo ako sa tabi niya.

"Okey lang" nakangiti kong sagot sa kanya.

"Ang gwapo mo diyan ah naks!" pang aasar ko sa kanya dahil ngayon kolang siya nakitang nag suot ng pang prinsipeng suotin.

"Maganda ka naman Asawa ko wag papatalo" kindat niya sa akin.

"Magandang Umaga iha" nakangiting ani ng papa ni Drake.

"Magandang umaga din po Mahal na Hari" sambit ko.

"Balita ko ngayon kayo dadalaw sa ibang kaharian ng Salidaria upang humingi ng gabay at patnubay" ani ng papa ni Drake at napatingin kay Drake.

"Tama ang inyong tinuran Mahal na Hari.Ngayon ang nakatakdang araw para ipakilala ko ang aking mapapangasawa sa mga pinuno ng mga kaharian dito sa Salidaria.Kasabay rin nito ay hihingi narin kami ng patnubay sa mga Inang Vates." mahabang lintaya ni Drake.

Mabilis na natapos ang pagkain namin dahil may gagawin pa ang mahal na hari pati narin kami ni Drake.Nakasakay kami ngayon sa kalesa habang nasa tabi ko si Drake.Napatingin ako sa labas at pinagmasdan ang mga puno at halaman na aming nakikita.

"Asawa ko" napalingon ako kay Drake ng banggitin niya ang pangalan ko.Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

"Ano na namang trip mo at nangyayakap ka?" natatawa kong ani at niyakap din siya pabalik.

"Eh feeling ko kasi mawawala ka sa akin.Ikaw kasi kanina kapa tahimik.Hindi ako sanay na nakatikom yang bibig mo" malungkot niyang ani habang nakayakap parin sa akin.

"Loko!Hindi kita iiwan noh!" nakangiti kong sambit dahilan para mabilis siyang bumitaw sa pagkakayakap at nakabgiting hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Promise yan ha!Wag mo akong iiwan.Ayokong mawala kapa sa piling ko Asawa ko." parang batang nagpapakyut niyang sambit na ikinatawa ko.Tumango nalang ako sa kanya bilang pagsang ayon.Muli na naman niya akong niyakap ng mahigpit.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon