THHV S2:CHAPTER 3

574 22 10
                                    

Ziro's PoV

"Sabi ng wag niyo akong hahawakan!" malakas kong sigaw sa kanila.

Nandito parin ako sa pinagdausan ng kasal ni Drake at Haven.Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko.For almost 18 years na nakasama ko si Papa,ni minsan hindi ko naisip na hindi niya ako tunay na anak.Grabe ang ipinadamang pagmamahal niya sa akin.At sa taon na iyon hindi ko alam na isang lobo si Papa.Ang akala ko ay nagbabakasyon siya sa kaniyang probinsya tuwing umaalis siya.Yun pala ay nagpupunta siya sa mundong ito.Sa mundong hindi ko alam kong ano ang tawag.

Wala akong alam sa nangyayari.Kung inaakala niyong may kinalaman ako sa lahat ng nangyayaring ngayon,ay nagkakamali kayo.Kahit anong pilit kong tumanggi na hindi ako bampira at si papa ang tunay kong ama.Mukhang ako lang ang mapapasama.Dahil amin ko man o hindi sapat na ang mga ebidensyang nakita at narinig ko para sabihing totoo ang lahat ng ito.

"Iha hindi kami ang iyong kaaway.Ikaw ay kalahi namin." sambit ng Reyna ng mga Bampira.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyong hindi niyo ako kalahi!Wala akong kalahing mga halimaw!Hindi ako Bampira!" pagmamatigas ko.Kahit alam ko naman sa sarili kong tama ang sinasabi nila.

"Wala ka ng magagawa para takasan ang kapalaran na ito.Itinadhana na ang inyong pag iisang dibdib ng aking anak.Hindi man ikaw ang nakagisnan namin at ng mga imortal na anak ng mga Sley.Ngunit ikaw parin ang tunay na anak nila.Ikaw ang tunay na Sley,ang tunay na babaeng ipapakasal sa aking anak." madiing sambit sa akin ng Hari ng mga Bampira.

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ng Hari ng naglakad ako paalis.

"Aalis ako!Babalik ako sa mundong pinanggalingan ko!" sagot ko sa kanila at tinalikuran na sila.

"Mga Kawal pigilan niyo ang Prinsesa!" utos ng Hari kaya tumakbo ako ng mabilis.

Hingal na hingal akong tumakbo paalis sa lugar na iyon.Hindi ako lumilingon pero alam kong nakasunod parin sila sa akin.Napunta ako sa isang gubat,tanging ang ilaw mula sa buwan ang nagsisilbi kong liwanag para maaninag ko ang daan.Ibang iba ang gubat na napuntahan ko sa mundo namin.Naglalakihan ang mga puno dito at ang iba ay may mga kulay pa.

Habang palakad ako nagulat ako ng may humugot sa akin.Napapikit ako dahil sa lakas ng pagkakatama ko sa isang puno.Naramdaman ko ang paghinga ng taong humugot sa akin.Pamilyar ang amoy na ito.Dahan dahan kong iminulat ang aking mata para makita ko siya.

"Jade!" maluha luha kong sbit at niyakap siya ng mahigpit.Doon na tumulo ang mga luhang kanina kopa pinipigilan.Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.Tila nawala ang lahat ng sakit at takot na nararamdaman ko.Hindi ko alam,kong bakit ganito nalang kapaya ang aking nararamdaman,tuwing kasama ko si Jade.Marahil nga ay nahulog na ang loob ko sa kanya.Ilang linggo palang ang nakakalipas ng makilala ko siya pero mukhang minahal kona siya.

"Ssshh..Wag kang maingay baka mahanap nila tayo" mahina niyang bulong sa akin at sumilip mula sa punong pinagtataguan namin.

"Tara na habang wala pa sila" ani niya at hinawakan ang kamay ko.Napatingin siya sa akin ng huminto ako at hindi nagpatangay sa kanya.

"Anong problema?Baka maabutan pa nila tayo!..Tara na" sambit niya at muli akong hinila.

"Ikaw na ang umalis.Baka ano pang mangyari sa iyo.Habang ako babalik sa mundo na pinanggalingan ko." ani ko at bumitaw sa pagkakahawal niya.

"Iiwan mo ako?..Hindi pwede..Sasama ako sayo" pagmamatigas niya at muling hinawakan ang kamay ko.

"Jade ano ba hindi mo ba naiintindihan!..Hindi tayong pwedeng magsama dahil ikakapahamak lang natin iyon!..Babalik ako sa mundo namin.Kung saan ako nababagay habang ikaw ay manatili ka rito.Kasama ang mga kauri mo" paninindigan ko.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon