THHV S2:CHAPTER 14

416 28 6
                                    

Xandy's PoV

Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ay ang pagkawala ni Haven sa aking paningin.Nagpupumiglas ako mula sa pagkakahawak ng mga kawal.Ngunit wala akong nagawa dahil mas malakas sila sa akin.

Nararadaman kona ang unti unting panghihina ng kaluluwa ko.Muli na namang tinatangkang angkinin ni Yesha ang katawan ko.

Nakakainis!

Ilang minuto ko palang nagamit ang katawan ko!

Tapos ngayon kukinin niya na naman ulit!

Mahabaging bathala!Tulungan niyo ako!

Wag niyong hahayaang magapi ako ng kalaban.

Marahas akong ibinagsak ng mga kawal sa aking silid.

Unti Unti kong naramdaman na kinokontrol na ni Yesha ang paa ko dahil kusa itong gumalaw.

Kusang naglakad papunta sa harap ng malaking salamin ang ang mga paa ko.

Gumuhit ang nagngangalit na mukha ni Yesha sa malaking salamin.

"Wala ka parin talagang kadala dala!Hanggang ngayon hindi ka parin tumitigil sa pagpigil sa mga plano ko!" galit na galit na sambit sa akin ni Yesha.

"Hinding hindi ako titigil hanggang hindi ka titigil sa mga masasamang plano mo!" sagot ko sa kanya.

"Ano bang mapapala mo pagtinulungan mo si Haven!?Akala mo ba mapapasayo si Drake!Hindi!Dahil magiging akin siya!" paninindigan ni Yesha.

"Hindi man magiging akin si Drake.Ayos lang!Basta wag lang siyang mapupunta sa kagaya mong masamang tao!" madiin kong sambit sa kaniya.Nagulat ako ng biglang dumapo ang sarili kong kamay sa aking pisngi.

"Akala mo magtatagumpay ka!?Hindi mo ba nakita ang nangyari kanina?Pati ang bathala ay ayaw payagang malaman ni Haven ang lahat!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano ang ibig mong sabihin?" kinakabahan kong tanong.

"Di kaba nagtataka kung bakit lumindol?Alam mong ngayon lang nangyari ito sa Salidaria.Hindi mo parin ba alam kong bakit?" nakangising sambit ni Yesha na mas lalong nagpalala sa kabang aking nararamdaman.

"Kayo tatlo nina Haven at Ziro ang nasa propesiya!" halos mapatumba ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang binunyag ni Yesha.

"Naiintindihan mona ba ang lahat!?Hindi kayo pwedeng magsama sama ni Haven at Ziro dahil magkakagulo sa Salidaria.Maaring walang nangyari sa atin pero naisip mo ba ang ibang nga nilalang sa Salidaria?Naisip moba kung ano ang kalagayan nila ngayon matapos ang lindol na ginawa niyong tatlo?" pagpapatuloy ni Yesha sa kaniyang sinasabi.Nakatulala lang ako at tila ang kaniyang boses nalang ang aking naririnig.Paulit ulit itong gumuguhit sa aking alaala.

"Walang nakakaalam kong ano ang totoong sinasaad ng propesiya.Pero,hindi pa ba sapat ang lindol na ginawa niyo.Para sabihing makakasama sa buong Salidaria ang pagtatagpo niyong tatlo!" naramdaman ko ang unti unting panghihina at pagkawala ng kontrol ko sa katawan ko.

Nang iminulat ko ang mata ko nakita ko ang sarili ko,i mean ang katawang lupa ko.Muli na namang napasakamay ni Yesha ang katawan ko.Nakangisi siya habang nakatingin sa malaking salamin kung saan nakaguhit ang mukha ko ngayon.

"Sabi kona sayo,wala kang magagawa.Kung hindi ko lang talaga kailangan ang katawan mo.Matagal na kitang pinatay!" bulyaw at sinabunutan ang katawang lupa ko.Nakaramdam ako ng pananakit sa aking anit.Ito ang nakakainis sa lahat.Kahit si Yesha ang may hawak sa katawan ko.Ako parin ang nasasaktan pag may nangyayari sa katawang lupa ko.Idagdag mo pa na hindi ko naaalala ang lahat ng kaniyang ginagawa sa oras na nakontrol niya na ang katawan ko.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon