THHV S1:Chapter 48

546 24 0
                                    

Yesha's PoV(Ps.Remember na nasa katawan parin ni Xandy ang kaluluwa ni Yesha kaya ang tingin sa kanya ay si Xandy.)

"Nahuli kona ang pinapahuli niyo Papa" sambit ko sa Hari ng mga bampira ng makarating ako ng Palasyo.Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi at dahan dahang naglakad papunta sakin.

"Magaling aking anak.Ni minsan ay hindi mo talaga ako pinahiya" matamis na ngiti abg ginawad sa akin ng hari at dahan dahang pinantayan si Haven na ngayon ay walang malay.Hinawakan ng Hari ang panga ni Haven.

"Ilang taon din ang tiniis ko para sa araw na ito.Pinilit kong hindi ka patayin kahit alam ko namang kahit anong oras ay kaya kitang patayin.Nakakatuwang isipin na pinagkatiwalaan mo pa ako.Wala kang kaalam alam na nasa paligid molang ang taong kikitil sa buhay mo" nakangising sambit ng Hari kay Haven kahit alam niyang hindi sasagot si Haven kasi nawalan ito ng malay.

Biglang rumehistro sa isipan ko ang mga nakakapangilabot na rebelasyong aking nalaman dahil sa sinabi niya ngayon.

<Flashback>

"Gustong makipagkita ni Papa sa atin" napalingon ako kay Jade ng sabihin niya iyon.

"Pupunta tayo ng Salidaria?...Sa kaharian ng Lupus in Terra?" takang tanong ko kay Jade na ikinakunot ng noo niya.

"Anong pinagsasabi mo?Nakalimutan mo na bang nandito si Papa sa mundo ng mga mortal?" nagulat ako sa sinabi ni Jade pero hindi ko ito pinahalata at baka magduda siya sa totoo kong pagkatao.

Hindi sa nakalimutan ko Jade.Hindi ko talaga alam na nandito pala sa mundo ng mga mortal ang Hari ng mga bampira.Nakakapagtaka na ang isang Hari ay nasa mundo ng mga mortal.Ano kaya ang binabalak ng matandang iyon?

"Punta muna ako ng Cr" paalam ko kay Jade at dali daling nilock ang pinto ng Cr pagkapasok ko.Humarap ako sa salamin at rumehistro dito ang imahe ni Xandy.

"Ano ang ibig sabihin ni Jade na nandito sa mundo ng mga mortal ang ama niyo?" puno ng kuryosidad kong tanong pero wala akong narinig na sagot mula sa kaniya.Nakaramdam ako ng galit dahil sa inasta niya.

Marahas kong sinabunutan ang katawang lupa ni Xandy.Nakita ko ang pamimilit ni Xandy sa sakit.Bagaman ako ang nasa katawan ni Xandy hindi ako ang nasasaktan,kundi siya.Kaya walang kaso sakin kung saktan ko ang katawang lupa niya.

"Sasabihin mo hindi!" gigil na gigil kong ani habang mas nilalakasan pa ang pagsabunot sa kanya.

"Si papa--Si papa..Nan--Nan--Nandito--Aray--Nandi--to--Aray!"

"Ayusin mo ang pagsagot mo!" galit kong ani.

"Si papa nandito sa mundo ng mga Mortal para isagawa ang kaniyang plano" pikit matang sambit ni Xandy.

"Plano?Anong plano ang sinasabi mo?" taka kong tanong sa kanya.

"Nagpapanggap si Papa bilang asawa ni Tita Trisha,yung mama ni Haven" nagulat ako sa ibinunyag ni Xandy.

"Ang ibig mong sabihin?Yung kasama ngayon ni Tita Trisha ay hindi si Tito Prince kundi ang papa mo?" nakangisi kong tanong kay Xandy.

"Oo.Nagpanggap si Papa bilang si Tito Prince para mapalapit sa mag ina dahil kasama ito sa plano niya" ani ni Xandy.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon