THHV S1:Chapter 42

714 26 0
                                    

Drake's PoV

"Anong ginagawa mo dito Arthur?" mahina kong sambit habang inaayos ang damit ko.

"Pinapaalala kolang po sa inyo mahal na prinsipe na kailangan niyo ng sabihin kay Haven ang tungkol sa nalalapit niyong kasal" humarap ako sa kanya ng sambitin niya iyon.

"Huwag kang mag alala Arthur ngayong araw ko balak sabihin sa kanya ang tungkol sa naging kasunduan ng mga pamilya namin" sumilay ang ngiti sa mukha ni Arthur ng marinig niya ang sinabi ko.

"Magandang balita yan Mahal na Prinsipe siguradong matutuwa ang Heneral sa gagawin mo!" masaya niyang bigkas.

"Anong problema Mahal na Prinsipe?" taka niyang tanong ng mapansing nagbago ang ekspresyon ng aking mukha.

"Baka tanggihan niya ang naging kasunduan" malungkot kung sambit.

"Hindi maaring tanggihan ng isang Sley ang kasunduan.Isang kaparusahan ang ipapataw sa pamilya nila pag sila'y sumuway" positibong ani ni Arthur.Nabuhayan naman ako sa sinabi niya at pinalakas ang sarili ko.

"Salamat sa pagpapalakas ng aking loob Arthur.Ako'y aalis na" nakangiti kong ani kay Arthur at umalis na sa apartment.

©HeiressWritesStory

Huminga ako ng malalim ng makarating na ako sa Headquarters ng Phytons.Nagulat si Shantel ng pagbukas niya ng pinto ako yung nakita niya.

"Drake right?" paninigurado niya kaya tumango ako bilang sagot.

"Shantel sino bayan?" inaantok na ani ni Haven.Napangiti naman ako ng makita kong nakapantulog pa siya.Nanlaki ang mata niya ng makita ako.

"Anong ginagawa mo dito!?" gulat niyang sambit

"Umalis ka nga!" galit niyang sabit at marahas na sinara ang pinto ngunit pinigilan ko siya.

"Let's Talk" mahinahon kong sambit at hinila siya palabas.

"Ano ba teka!Wait nga!Nakasando lang ako tas naka short!Letche ka!Wait lang!" pagpupumiglas niya pero hindi ko siya binitawan at patuloy lang na hinila.

"Ano bang pag uusapan natin!?Bilisan mo ako dahil wala akong oras para sa kalokohan mo!" mataray niyang ani ng bitawan kona siya.

"You remember this place?" nakangiti kong tanong.Nagtataka naman siyang napalingon sa paligid.Pagkatapos niyang ilibot ang paningin niya umiling siya sa akin bilang sagot.Napabuntong hininga naman ako.

"Hoy anong gagawin mo?" tanong niya ng dumeritso ako sa gitna ng kalsada.Malaya kong inunat ang dalawa kong kamay sa magkabilang dulo at napatingin sa kotseng mabilis na umaandar papunta sa akin.

"Drake!!" sigaw ni Haven at tinulak ako para hindi masagasahan ng kotse.

"Nagdrudrugs kaba?Ano na naman ang nasinghot mo!?Balak mo bang magpakamatay!?Kung may balak kang magpakamatay wag dito!Madadamay pa ako!" naiinis niyang sambit habang tumatayo at pinapagpag ang sando niya.Dahan dahan din akong napatayo at tumingin sa sando niya.

"Ang bastos mo talaga!" galit niyang ani at binatukan ako.Napangisi naman ako.

"Seryoso di mo parin talaga maalala?" tanong ko sa kanya at napatingin sa legs niya.Ang kinis shet!

"Sige tumingin kapa tatadyakan kita tamo!" galit niyang ani at tinadyakan ako sa binti.Napa aray naman ako at napatawa.

"Hoy Drake Kung wala kang matinong sasabihin sakin!Aalis na ako!Ayokong aksiyahin ang oras ko para sayo!" naiirita niyang ani at tinalikuran ako kaya agad ko siyang hinila pabalik.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon