THHV S2:CHAPTER 28

457 29 4
                                    

Yesha's PoV

"Handa kana ba?" tanong sa akin ni Reyna Celeste bago niya ako iwan at pumunta sa unahan.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Abot langit ang aking ngiti habang nakatingin sa baging humaharang sa akin para makita ko si Drake.

Hindi ko inaasahan na dadating ang araw at mapapasakin si Drake.

Ang dami kong sinakripisyo para mapasa akin siya.

Nakakatawa na dapat ko lang palang angkinin ang katawan ni Ziro para mapakasalan ko si Drake.

Ilang segundo ang lumipas at narinig ko na ang tugtog na hudyat na magsisimula na ang seremonya.

Hinawi ng kawal ang mga baging na humaharang sa aking harapan.

Unang bumungad sa akin si Drake na seryoso ang mukha at hindi makatingin ng diretso sa akin.

Nakaramdam ako ng biglang pagkirot ng aking puso dahil sa inasta niya.

Napatingin ako sa paligid ng pinagdausan ng kasal.

Aaminin ko hindi ito sing garbo ng kasal ni Haven at Drake.

Hindi rin sa isang espesyal na lugar idinaos ang kasal dahil nasa hardin lang kami ng palasyo.

Pero hindi mahalaga sa akin iyon,ang mahalaga ay ikakasal ako sa taong mahal ko,kay Drake.

Pilit ang ngiti akong dahan dahang naglakad sa gitna at ninanamnam ang bawat sandali ng pinakamahalagang bahagi sa aking buhay.

Ramdam ko ang bigat ng paligid.

Wari ko'y ayaw nila ako para kay Drake pati ang kalangitan ay nagdaramdam dahil nangingitim ito.

Nilapitan ako ni Drake ng makalapit na ako sa kanya.

Ipinulupot ko ang kamay ko sa kaniyang kamay ng makalapit ako sa kanya.

Nginitian ko siya pero sinuklian lang niya ako ng pilit na ngiti.

"Nasaan si Haven?" bulong niya sa akin.

Napakuyom ako sa tanong niya.

Hanggang ngayon ba naman si Haven parin ang iniisip niya!

Pati ba naman sa araw ng kasal namin ay si Haven parin ang bida!

Sisiguraduhin ko talagang mapaslang siya pagkatapos na pagkatapos mismo ng kasalang ito.

"Sinabi ko diba sayo nasa Terra Fantasia siya.Kaya wag kang mag alala.Okay lang siya" pilit akong ngumiti sa kanya.

"Mabuti at hindi nasabi ni Conselio Calypso ang tungkol sa kasal natin.Lalo pa't dumalo siya ngayon" napalunok ako sa sinabi ni Drake at pasimpleng tumungin sa Punong Conselio De Majika.

"Ah kasi--Kasi--Kasi kinausap ko si Conselio Calypso na wag ipaalam kay Haven ang tungkol sa kasal natin--Tama--Tama yun nga ang sinabi ko" pautal utal kong ani at pekeng bumungisngis.

"Ganun ba..Sana matapos natong kasal natin agad" tila pinana ang puso ko ng marinig kong sinabi niya iyon.

"Bakit naman?" ani ko na tinatago ang sakit na nararamdaman ko.

"Dahil tila hindi ko kayang hindi maikasal sa taong hindi ko mahal" naramdaman ko ang pagtulo ng kuha ko at paulit ulit na nagplay sa utak ko ang sinabi niya.

"Ganoon din naman diba ang nararamdaman mo?Ayaw mo rin dahil hindi ako ang mahal mo kundi si Jade" ani niya at pasimpleng napatingin kay Jade na nasa gilid nagtatago sa isang puno.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon