THHV S1:Chapter 47

645 23 1
                                    

Haven's PoV

"Oh Em Geeeeee!Magiging reyna kana?" excited na tanong sakin ni Aislinn.Nandito kami ngayon sa kwarto ko dito sa palasyo ng Terra Autem Alba.Pagkatapos humingi ni Drake ng basbas sa Punong Conselio De Majika dumiretso na kami dito.

"Oo nga paulit ulit" natatawa kong sambit kay Aislinn.

"Hindi lang kasi ako makapaniwala.My Gosh magiging reyna ang pinsan ko..Oh eto na ang korona ko sayo na" pabirong ani ni Aislinn na umaktong parang may korona at kinuha ang korona sa ulo niya at ipinatong sakin.

"Loka Loka wala akong choice noh!Ako ang unang babaeng Sley sa henerasyon natin.Kaya kailangan ko tong gawin dahil ikakapahamak ng buong Sley kung tatanggi ako." mataray kong ani habang pinipigil ang tawa ko dahil sa mapang asar niyang tingin.

"Ang sabihin mo gusto mo talagang ikasal kay Drake.Naku indenial pa ang pinsan ko eh halata namang patay na patay kadun.!" sambit niya habang nakataas ang kilay.

"Don't worry couz Gagawan ko talaga ng kwento tong nangyayari sa atin.Lalo na doon sa mga nilalang na dumakip sa akin.Ano nga tawag sa kanila?Vilamajika.Wag silang mag alala dahil iinclude ko sila sa story wahaha." masayang ani ni Aislinn.

"Pati ba naman sila idadamay mo sa kalokohan mo!" natatawa kong ani.

"Grabi ka namang makapagsabing kalokohan lang tong ginagawa ko....Ipapaalam ko sa buong mundo ang tungkol sa mga Vilamajika at ang Kaharian ng Terra Fantasia....At syempre isasama ko narin yung mga ninuno natin napa kainteresting nung story nila eh...The Forbidden Love of Anastasia and Eduardo" sambit ni Aislinn na parang iniimagine pa ang gagawin niyang story.

"Haha bahala ka nga.Support nalang ako!Pero paano yan malalaman nilaa ng tungkol sa sekreto ng pamilya natin.Baka mapahamak tayo at ang mga nilalang dito sa Salidaria" ani ko sa kanya.

"Edi sasabihin kong kathang isip ko lang to.Ano kaba!Syempre gagawa ako ng kwento normal nayun na isipin nilang hindi totoo ang lahat na isusulat ko" pagdadahilan niya

"Teka nga hindi mo pa nakwekwento kong paano kayo nakapunta dito" curious kong tanong at naglakad papunta sa may terrace.Naramdaman ko namang sinundan ako ni Aislinn.

"Ayun na nga nakita ko kayo ni Drake na tumagos dun sa pader.Noong una natakot pa nga ako dahil baka multo yung nakita ko.Pero sigurado akong kayo yun!Kaya naghintay muna ako ng ilang minuto bago pumunta dun sa pader.Nung andun na ako sa pader sinubukan kong tumagos.Pero pvtek nayan nauntog lang ako!Ang sakit sakit nga ng noo ko!" inis niyang banggit habang pinapakita niya ang namumula niyang noo na ikinatawa ko.

"Oh tapos?" tanong ko sa kaNya habang pinipigilan ang aking pagtawa.

"Then ayun nakita ako ni Lorenx.Sinabihan pa akong nababaliw na kaya nainis ako sa kanya.Nagulat kami ng may marinig kaming sigaw kaya nagtago kami sa mga puno.Nashock ako ng makita ko si Ziro na kinakaladkad ng mga nakakatakot na nilalang.Nakita kong may lumitaw na mga kulay sa pader na nagpormang pinto then tumagos yung mga Nilalang dun sa pinto nayun.Bago paman magsara yung pinto agad kong hinila si Lorenx then ayun napunta kami sa lugar nato" kwento ni Aislinn.Totoo ngang iba ang oras dito sa mundo ng Salidaria at sa mundo ng mga Mortal.Ilang segundo palang kasi ang lumipas tas dito halos isang araw na.

Katahimikan....

Pareho kaming nakatingin mula dito sa terrace ng kwarto ko sa palasyo.Mula dito tanaw ko ang mga bampirang nagkakasiyahan sa baba.Ang mga kakaibang punong ngayon kolang nakita sa buong buhay ko.

"Hanggang ngayon Couz.I can't still believe na bampira pala si Drake.Tsaka prinsipe siya ng ganito kalaking palasyo." manghang manghang ani ni Aislinn habang tinitingnan abg kabuoan ng kaharian.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon