THHV S2:CHAPTER 24

527 31 9
                                    

Haven's PoV

Naramdaman ko ang pagpasok ni Drake sa aking kwarto.Naikuyom ko ang aking kamao ng maramdaman ko ang kaniyang presensya.Halos isang linggo narin ang nakakalipas simula ng matalo nina Drake ang mga lobo.Hindi ko alam kong tuluyan ng nalipon ang lahi ng mga lobo pero ang alam ko ay nakatakas si Haring Loki at dala niya ang aking ina.Patuloy paring pinaghahanap si Xandy dahil tumakas din ito kasama ng ilang mga lobo.

Kasalukuyang naninirahan ang mga natitirang bampira dito sa kaharian ng Lupus in Terra.Nakakalungkot isipin na sira na ang kanilang kaharian kaya dito nalang sila naninirahan sa kaharian ng kanilang matalik na kaaway.Simula ng madakip si Mama ay hindi na ako lumalabas sa kwartong ito.Madalang na din akong kumain.

Nawalan ako ng gana.Pakiramdam ko wala ng saysay ang buhay ko.Wasak na wasak na ang puso ko mahina narin ang katawan ko.At ang taong akala ko ay maasahan ko sa panahong malungkot ako ay niloko ako.

"Anong ginagawa mo dito?" walang gana kong ani ng hindi nililingon si Drake.Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.Dahan dahan siyang lumapit papunta sa akin.

"Nalaman kong hindi mopa ginagalaw ang pagkain mo" nahihiya niyang ani.

"Pakialam mo ba" walang pag aalinlangan kong ani at hinarap siya.

"Nag aalala lang ako sayo.Halos hindi kana kumakain baka mapano ka" naramdaman ko ang labis na lungkot sa tono ng pananalita niya.

"Nasa akin na yun kung kakain ako o hindi" ani ko at linagpasan siya.Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak paharap sa kanya.

"Ano bang nangyayari sayo!?" he ask irritatedly.

Hindi parin talaga siya nagbabago.

Ang Bilis niya paring magalit.

Hindi lang masunod ang gusto niya iinit agad ang ulo niya.

Isa sa mga katangian niyang kinaiinisan ko pero sa pagdaan ng panahon ay minahal ko.

"Sabihin mo nga sa akin kung ano yung ikinagagalit mo!" bulyaw niya sa akin.

"Paulit ulit tayo?Di mo ba narinig yung mga sinabi ko sayo noong nakaraang linggo.Hindi mo ba maalala yung kababoyang ginawa mo!" sigaw ko sa kanya.

"So issue parin sayo yun" nakaramdam ako ng labis na inis sa sinabi niya.

"Wow!Wow nalang talaga.Ano bang gusto mo?Magsaya ako dahil yung taong mahal ko nakipagkantutan sa ibang tao.Wow!Gusto mo kalimutan ko nalang.Magpanggap akong may amnesia at walang maalala.Aba!Ayos karin ah.Niloko mo na nga ako gusto mo pa ako pa mag adjust para sayo." natahimik siya sa sinabi ko.

"Sorry ha!Bigdeal sa akin yung kantutan niyo ni Xandy.Di ko naman kasi alam na wala lang sayo yun.Bakit?Ilan naba napasukan mo?Hobby mo na yun?o di kaya Sports?Sorry naman diko kasi alam na pwede na palang gawing hobby at sports yung sex.Sana naman ininform mo ako ng maitala natin yung sex as Hobby at Sports." sarkastiko kong ani sa kanya.

"Malay mo pag may makasalubong ako at tanongin ako kung ano sports or hobby ko Isasagot ko "Ah hindi naman masyadong espesyal Sex lang".Gusto mo ganun?Lakas din ng tama mo Drake!Diko alam kong anong nangyari diyan sa utak mo.Akala ko---" nanlaki ang mata ko at napatigil ako sa pagsasalita ng siniil niya ako ng halik.Nakaramdam ako ng kakaibang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.Ang kiliting palagi kong nararamdaman tuwing kausap ko si Drake.

"Bastos!" sigaw ko sabay tulak sa kanya at ginawaran siya ng malakas na sampal.

Nag init ang ulo ko ng marinig ko ang mahinang tawa niya.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon