THHV S1:Chapter 49

593 28 0
                                    

Third Person's Point of View

Abala ang mga bampira sa paghahanda sa magaganap na digmaan sa pagitan ng lahi ng mga bampira at lobo.Balot ang kanilang katawan ng mga metal na kasuotan.Ang bawat isa sa kanila ay may kanya kanyang hawak na sandata.Ang ilan sa kanila ay may punyal,sibat o di kaya ay pana.

Napahinto ang lahat sa kanilang ginagawa ng dumating sina Head Mistress Alisa at ang Punong Conselio de Majika.Lumapit ang Hari at Reyna kina Head Mistress Alisa at ang Punong Conselio De Majika.

"Narinig namin ang balak niyong pagsugod sa Lupus in Terra.Totoo ba ito?" tanong ni Conselio Calypso,ang Punong Conselio De Majika.

"Tama ang inyong narinig.Susugod kami sa kaharian ng Lupus in Terra.Hindi namin hinihingi ang inyong tulong,labas kayo sa digmaang ito." maotoridad na ani ni Haring Serafino

"Hindi niyo maiaalis sa amin ang mag alala para sa sinasakupan namin." pagdadahilan ni Conselio Calypso.

"Hindi niyo rin maiaalis sa amin ang mag alala para sa susunod na Reyna ng Terra Autem Alba" pinipilit pakalmahin ni Haring Serafino ang sarili niya.

"Anong nangyari sa mahal na prinsesa?" nag aalalang tanong ni Head Mistress Alisa.

"Dinukot siya ng mga walang hiyang lobo!Ngayon niyo sabihin sa amin na kumalma kami at palampasin lang iyon.Ang kinabukasan ng aming kaharian ang nakasasalay dito.Hindi naming hahayaan na mapahamak ang magiging Reyna namin." hindi na nakayanang hindi mag taas ng boses si Haring Serafino.

"Huminahon ka Mahal ko.Hindi makakatulong ang pag aaway na ito" pinapakalma ni Reyna Celeste ang kaniyang asawa.

"Handa kaming tumulong sa inyo Haring Serafino" alok ni Head Mistress Alisa.

"Huwag na.Ayaw naming madamay pa kayo" sambit ng Hari.

"Kahit ano pang sabihin niyo.Damay at damay parin kami sa away niyo.Kaya sa ayaw at sa gusto niyo tutulong kami sa inyo" paninindigan ni Conselio Calypso.

"Kung gayon,buong puso naming tatanggapin ang alok niyong tulong" nakangiting ani ni Haring Serefino.

"Mukhang andito na ang mga Guardia De Fantasia ng aming kaharian" ani ni Conselio Calypso ng makarinig sila ng pagaspas ng pakpak.

Sandamakmak na Vilamajika ang lumipad papunta sa Terra Autem Alba para tumulong sa mga Bampira.

"Kasama ko naman ang ilan aa mga magagaling na Mago at Salamangkero ng Academia El Magica" ani ni Head Mistress Alisa at isa isang pumasok ang mga nakarobang mga Mago at Salamangkero na may kaniya kaniyang hawak na wand.

"Heiress?" gulat na ani ni Aislinn ng muli niyang makita ang kaibigang matagal na niyang hindi nakikita.Isang mahigpit na yakap ang iginawad ng Magong si Heiress sa kaniyang matalik na kaibigan.

"Don't worry maliligtas natin si Haven" pagpapahinahon ni Heiress kay Aislinn ng mapansin niyang umiiyak ito.

"I'm really worried for my cousin.Hindi siya sanay sa lugar na ito.At isa pa hindi pangkaraniwang nilalang ang kalaban niya.We are talking about wolves here and i know how dangerous they are" patuloy parin sa paghagulgul ang dalaga dahil sa labis na pag aalala niya sa kaniyang pinsan.

"Ang lahat ay maghanda magsisimula na ang digmaan!" anunsyo ng hari at nagsimula ng maghanda ang mga bampira,mago,salamangkero at vilamajika.Buong tapang silang lumabas ng palasyo at nakahilirang nakatingin sa kaharian ng Lupus in Terra.

Pumunta sa harapan si Haring Serafino kasama sina Head Mistress Alisa,Reyna Celeste,Conselio Calypso,Aislinn,Drake at Lorenx.Napatingin sa kaniyang asawa ang Hari at sinuklian siya ng matamis na ngiti ng kaniyang esposa.Napatingin ang lahat ng nilalang na nandoon sa kamay ni Haring Serafino ng itinaas niya ito.

Taming The Hot Headed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon