Kabanata 1

1.1K 62 12
                                    

Noong unang panahon, mahigit ilang libong taon na ang nakakaraan ay may mga kakaiba ngunit makapangyarihang nilalang ang namumuno dito sa ating daigdig. Minsan ay napagkakamalan silang mga diwata o engkanto ngunit batid ng lahat na higit pa sila roon. Maituturing din silang parang mga dyosa na malapit sa mga tao. Ngunit mas higit silang kilala bilang mga sang'gre o mga tagapangalaga ng mga brilyante ng kalikasan.

Mapagbigay at matulungin ang mga sang'gre sa mga masisipag at mababait na mga tagalupa. Tinutulungan nila ang mga tao upang makakuha ng masaganang ani sa kapatagan at maraming isda sa karagatan. Kontrolado rin nila ang panahon at minsan na-aayon rin ito sa kanilang emosyon.

Maliban sa busilak na kalooban, ang mga sang'gre ay nagtataglay rin ng napakaganda at nakakahumaling na anyo. Mahahaba ang kanilang buhok, mapupungay ang kanilang mga mata, makikinis at mapuputi ang kanilang kutis, matatangos ang kanilang ilong at mapupula ang kanilang mga labi.

Para silang mga tao pero ubod ng ganda at mas makapangyarihan. Subalit hindi tulad ng tao, ang mga sang'gre ay isang beses lamang kung umibig dahil kakaiba ang kanilang mga puso. At kapag nagkataon na umibig sila ay maituturing na ito na panghabang buhay.

Taas kilay namang nakikinig si Vice sa taong nagkukuwento sa harapan. The person was pitching a story para sa bago nilang teleserye at halatang hindi niya ito nagugustuhan.

"Okay. We get your point. The exposition, the setting and whatever you just said. You're pitching a fantaserye. Gets namin yon. But what's really the main story? Sinong mga bida? Who are the persons involved? Do we have to have further research para sa mga characters?" masungit at sunod-sunod na tanong ni Vice. Para niyang ginigisa ang writer na nagpepresenta ngayon sa harap.

"It's a story based on a certain Filipino myth about four powerful creatures that once ruled the Earth thousands of years ago. And I already conducted my research on the characters. In fact, ikukuwento ko na po sana kung hindi lang po kayo sumingit," matapang na sagot ng writer na hindi nagpatinag sa pagsusungit ng kanyang producer.

"Okay fine. Continue with your story. But make it quick, I have an important appointment after this," walang ganang giit ni Vice at napasandal sa kanyang swivel chair.

"Ang kuwento ay tungkol sa apat na sang'gre na tagapangalaga rin ng apat na brilyanteng nagbibigay buhay sa daigdig. Ang mga brilyanteng ito ay ang brilyante ng apoy, hangin, lupa at tubig."

Nanlaki naman ang mga mata ng ibang naroroon na nakikinig at animo'y mga bata na walang kurap na nakatitig sa nagkukuwento. Habang si Vice lamang ang halatang hindi interesado.

Ang apat na sang'gre na ito ay mga anak ng makapangyarihang nilalang na nagngangalang Minea. Siya ang diyosa ng kalikasan, buhay at kamatayan; kung saan inaalayan nila ito ng buhay tuwing kabilugan ng buwan. Ang panganay sa magkakapatid ay si Pirena, pangalawa si Amihan, habang pangatlo naman si Danaya at ang kanilang bunso ay si Alena.

"Okay. So, ano naman ang itsura ng mga sinasabi mong apat na sang'gre? Para malaman natin agad at para mas maging madali nalang ang gagawin nating casting o paghahanap ng artista," pagsingit ulit ni Vice.

"Pinaguhit ko na sa digital artist natin ang mga itsura ng apat na characters ayon sa alamat na niresearch ko," sagot ng writer at nagflash sa screen ang mga larawan ng mga sinasabi nitong sang'gre.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ang Mahiwagang PusoWhere stories live. Discover now