Chapter 1

160 4 0
                                    

BLEU'S P.O.V.

Matapos nung araw na ipakilala ako ni Devon sa mga kaibigan niya, lagi na nila kong sinasama. Kumbaga, yung samahan nilang lalake, nag-iisa akong babae and I know everyone here in school hates me for that. Sino ba naman kasi ang hindi?

"Lalim naman ng iniisip mo fren", sabi ni Stefan

"Yak, ang bakla nung 'fren' mo ha", natatawa kong sabi sa kanya

Sa kanilang lahat, masasabi kong si Stefan ang pinakamasayahing kasama. Kung iisipin nga ay parang walang problema sa buhay 'to. Alam niyo yung parang every second nakakain siya ng chocolate sa sobrang hyper niya.

"Ayos lang magbakla-baklaan. Basta ba masaya ang nag-iisang prinsesa ng Pacers eh", natatawang sabi niya

Napailing na lang ako at napatawa. Natutuwa ako, sobra. Kasi nakahanap akong mga kaibigan na totoo sakin. Finally.

"Sus, kung may balak kang pormahan 'yang si Bleu, sinasabi ko sayo, wala kang pag-asa Stefan", biglang sabi ni Devon na kararating lang

Agad naman siyang tumabi sakin at tinulak palayo ng konti si Stefan. Napatawa na lang ako sa ginawa niyang 'yon.

"Mapanakit ka naman ng damdamin tol. Hindi pa man din ako nagsisimulang pumorma ay ganyan na ang sinasabi mo. Grabe, wala man lang bang support diyan?!", asar na sabi ni Stefan

"Mangarap ka Stefan, hindi ka papatulan ni Bleu", singit naman ni Slate

Agad naman siyang binatukan ni Stefan dahil sa sinabi niya.

"Aray naman! Namumuro ka na ha!", sigaw sa kanya ni Slate

"Isa ka pa eh! Gagatong ka pa! Palibhasa wala kang experience magkagirlfriend!", sigaw ni Stefan sa kanya

"Bakit ka namemersonal?! Nung iba iba babae mo, pinakialaman ba kita ha!?", sigaw ni Slate pabalik

"Tama na nga 'yan! Para kayong mga bata!", natatawang pag-awat ko sa kanila

Nagturuan pa sila kung sino ang may kasalanan bago sila naupo ulit.

"Mas lalo ka yatang naging tahimik Blue? Konti na lang yata ay iisipin kong hindi ka na nakapagsasalita. Wala ka ng dila? Hahahahahahaha", sabi ni Stefan

Inirapan lang siya ni Blue biglang pagsagot.

Sa kanilang lahat, si Blue ang hindi ko pa masyadong nakakausap o nakakabonding. Like, hindi siya palasalitang tao. Hindi ko alam kung ganon lang talaga siya o ayaa niya sakin kaya masyado siyang tahimik.

"Devonnnnnnn", pagmamaktol ko

Sa kanilang lahat, si Devon talaga ang pinakaclose ko syempre kaibigan ko siya mula pagkabata eh. Sabay kaming pinanganak, sabay din kaming lumaki. Parang di na nga kami mapaghiwalay niyan eh. Kumbaga, konektado na kaluluwa naming dalawa.

"Yeah, yeah. I get it. Wait here", sabi niya

Agad naman akong ngumiti ng malawak at ginulo ang buhok niya.

"Thanks Dev!", masayang sabi ko

Tinanguan niya lang ako at agad siyang tumayo.

"Ano 'yon? Hindi ko gets", sabi ni Slate

"Hindi ka nag iisa dude", sabi naman ni Stefan

"Secret!", masayang sabi ko

Pagkabalik ni Devon dala na niya ang hinihingi ko.

"Oh ayan na. Mamaya mag-tantrums ka na naman eh", sabi ni Devon

Nag-pout lang ako bago ko lantakan ang binili niyang strawberry cake at strawberry shake! Yehey! Bayaran ko na lang sa kanya mamaya!

I am Bleu, He is Blue (Completed)Where stories live. Discover now