Chapter 12

53 3 0
                                    

BLEU'S P.O.V.

It's been a week and here we are going to a classmate's house to do some group work. Hindi ko rin alam pero kanina pa ko kinakabahan. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari.

"Marco, mali yata yung dinadaanan mo? Hindi naman dito yung papunta sa bahay nila Sherria diba?", kinakabahang tanong ko

Pero hindi niya ko nilingon at nanatili sa daan yung tingin niya. I'm starting to panic. Something's wrong in here!

"Marco, stop the car!", sigaw ko

Pero kagaya kanina, ay nagmistulang hindi niya narinig ang sinabi ko! Saan ba niya ko dadalhin?!

"It was a mistake na sumabay sayo! Sinasabi ko na nga ba't may plinaplano kang hindi maganda!", kinakabahan ako pero nagawa ko pa siyang sigawan

Hindi niya ko sinagot at isang ngiti ang nasilayan ko sa labi niya! Nakakainis! Nakakairita!

"Ano ba?! Ititigil mo ba 'tong kotse mo o tatalon ako mula rito?!", pagbabanta ko sa kanya

Narinig ko ang mahinang pagtawa mula sa kanya. Darn it! I know he thinks na hindi ko kayang gawin!

"Go on. I know you can't do that Bleu. If I were you, mananahimik na lang ako. I'm sure, mag-eenjoy ka rin naman sa gagawin natin when we get there", nakangising sabi niya

Pinaghahampas ko siya ng malakas dahil sa sobrang galit at inis!

"Napakawalang hiya mo! I treated you as a friend! Paano mo nagagawa sakin ang ganito ha!", naiiyak na sigaw ko

Ano na lang ang gagawin ko?! Paano ako makakaalis dito?! Paano ako makakatakas sa lalaking 'to?! God, please send someone to save me.

"Bleu ano ba! Stop it! I'm driving!", inis na sigaw niya

Habang ang isang kamay niya ay sinasalo ang bawat hampas ko.

"Ibaba mo ko!", sigaw ko

Saka ko ipinagpatuloy ang panghahampas sa kanya.

"Bleu maaaksidente tayo! Ano ba!", sigaw niya

Pero hindi ko siya pinakinggan.

Labis na lang ang pagkagulat ko at pakiramdam ko ay lumabas ang puso ko sa sobrang gulat nung biglang prumeno biglaan si Marco. Napapikit ako ng mariin at hinihintay na makarinig ng pagkabangga.

Pero nakapagtataka dahil wala akong narinig na kahit ano. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko habang hinahabol ang hininga ko. Nakita kong labis ang pagkagulat sa mukha ni Marco habang nakatingin sa harapan namin.

Napatingin rin ako doon at nakita ko ang isang lalaking sakay ng isang motor na naka-helmet.

"What the actual fuck is he doing here", mahinang sabi ni Marco

Bumaba siya ng sasakyan para puntahan ang lalaking nakamotor na humarang samin.

I took the chance para tanggapin ang seatbelt ko at lumabas ng kotse para tignan kung sino ba ang lalaking 'yon.

Thank you God for sending my savior!

Tinitigan ko siyang mabuti at inaninag dahil pamilyar siya sakin. Could it be, Blue?

"Dude, let this one go. Hindi ko pinapakialaman ang buhay mo", sabi ni Marco

Unti-unting tinanggal ng lalake ang suot na helmet.

Ang pagtibok ng puso ko ay biglang nag-iba. Why do I feel this way everytime I see him?

"Fine!", sigaw ni Marco habang napasabunot sa buhok niya

Tinapunan siya ng lalaking iyon ng makahulugang tingin at mukhang nakuha naman agad ni Marco ang ibig niyang sabihin.

"You know I don't want anyone else touching what is mine already. And I also think, you know that", mariing sabi niya

"K-kant", nauutal na sabi ko

Hindi niya ko pinansin at bumaba siya sa motor niya. Lumapit siya kay Marco at kwinelyuhan ito.

"Kung ibang babae ang gaganituhin mo baka hahayaan kita. Pero to think na si Bleu ang gagawan mo ng masama? Do you think I'll let you pass?", mariing sabi ni Kant

"Dude, I'll give her to you. Just let me go this once", natatakot na sabi ni Marco

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Kant sa kwelyo ni Marco at kitang kita ko sa mga mata niya ang labis na galit. Why is he mad?

"Ano ba sa tingin mo? She's just a mere girl for me na gagawin kong pampalipas oras lang? Did you honestly think aabot ako sa ganitong punto kung ganon lang ang tingin ko sa kanya?!", sigaw ni Kant

Hindi ko alam pero sa tingin ko, nagsasalita lang sa tagalog 'tong isang 'to kapag galit na talaga.

"Hindi na mauulit Kant. Just let me go this time", sabi ni Marco

Akmang susuntukin na siya ni Kant. Hindi ko alam pero nagmadali akong tumakbo para pigilan ang kamao ni Kant.

Naagaw ko ang atensyon niya at napatitig siya sakin, ngayon ay kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. Habang si Marco ay napapikit ng mariin at inaantay na dumapo ang kamao ni Kant sa mukha niya.

"D-don't. A-ayos na ko, K-kant", nauutal at kinakabahang sabi ko

Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at ako na ang humila sa kanya papalayo kay Marco.

"Leave. I don't want to see you ever again", mariing sabi ni Kant kay Marco

"O-oo Kant!", natatarantang sabi ni Marco

At kaagad siyang tumakbo papasok sa kotse at nagmadaling umalis.

"Ano bang pumasok sa isip mo at sumama ka sa lalaking 'yon?! He could've done something terrible to you!", sigaw sakin ni Kant

Napapikit ako ng mariin nung sigawan niya ko. Okay, I get it. He saved me, pero he doesn't need to shout at me, okay?!

"I'm okay. W-wala siyang g-ginawang masama s-sakin", kalmado pero nauutal kong sabi

Hanggang ngayon ay sobrang bilis pa din ng pagtibok ng puso ko na parang nakikipagkarera. Hindi ko alam kung bakit ganito ako lagi kay Kant! Hindi ko maintindihan!

"Wala siyang ginawang masama sayo kasi may gagawin pa lang! What if nagawa niya?! What if... aish, damn it!", inis na sabi niya

Saka siya napasabunot sa buhok niya at tumalikod sakin. Sinipa niya ng malakas ang gulong ng motor niya.

I know pacers told me to stay away from him, but now that he saved me, I don't think I can stay away from him forever.

"K-kant", nauutal na pagtawag ko sa kanya

Lumapit ako at hinawakan siya sa balikat. Pero imbes na sagutin ako, kaagad siyang humarap sakin at kaagad akong niyakap ng mahigpit. Why do we have the same rhythm of heart beat?

"I swear I will kill myself if something bad happened to you. Damn it", mahinang bulong niya

Hindi ko alam pero pakiramdam ko may sariling buhay ang mga kamay ko at kusang ginantihan ng yakap si Kant. I just found myself hugging him so tight while burying my face in his chest, helplessly crying.

"Shhh, hush now baby. You must've been so scared", sabi niya

Saka niya hinagod ng banayad ang buhok ko at mas lalo pang hinigpitan pa ang pagkakayakap sakin.

God, of all people, why does it have to be him?

I am Bleu, He is Blue (Completed)Where stories live. Discover now