Chapter 19

62 3 0
                                    

BLEU'S P.O.V.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at puting kisame ang bumungad sakin.

"Kant, I already warned you about her condition right? Lalong naging malala simula nung manganak siya. Maswerte siyang she survived giving birth to a twin", rinig kong sabi ng doctor

Napapikit na lang ulit ako nung marinig ko 'yon. Alam ko naman. Kaya nga nag-iingat ako, it's just that hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"I know tito. I'm sorry", mahinang sabi ni Kant

"For now, let her stay here para ma-monitor namin siya ng mas mabuti. She needs to rest Kant. I'll go ahead", sabi ng doctor

"Thank you tito", sabi ni Kant

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Matapos iyon ay tuluyan ko ng iminulat ang mga mata ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang panghihina ko.

"Bleu"

Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Devon sa gilid ko.

"I'm sorry, I didn't know anything. Kung alam ko lang sana na ganito ang kalagayan mo, sana hindi ko na pinilit magpunta si Blue", malungkot na sabi ni Devon

"It's fine. Karapatan niya rin namang malaman ang tungkol sa mga anak niya. Hindi ko 'yon ipagkakait", seryosong sabi ko

Nakakatawa lang dahil kung umakto siya, parang ako lang ang mali dito. Na parang siya, walang nagawang mali. When in fact, it all started because of him.

"Kapag handa ka ng magkwento, nandito lang kami", biglang sabi ni Slate

"Thank you", nakangiting sabi ko

Kahit papaano, natutuwa akong nandito sila para damayan ako.

"Bleu", pagtawag sakin ni Kant

Pero bago pa siya makapagsalita biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Blue. Napapikit na lang ako ng mariin. Gusto ko pang mabuhay ng matagal.

"Iwan muna namin kayo", sabi ni Slate

Magproprotesta sana si Kant pero kinaladkad na siya nung tatlo palabas. Wala naman siguro silang masamang gagawin kay Kant.

"Can we talk?", mahinahong tanong niya pagkalapit niya sakin

"Kung makikipag-away ka sakin, utang na loob, 'wag ngayon Blue. Gusto kong magpahinga. Gusto ko pang mabuhay ng matagal", sagot ko

"Hindi ako makikipag-away sayo. Just please, let's talk", sabi niya

Tinignan ko siya at kitang kita ko ang pamumula ng mga mata niya habang nakatingin sakin. Kagaya ko, alam kong nagpipigil lang din siya ng luha.

"I have so many questions in my mind Bleu. You left me ten years ago", panimula niya

"I won't leave without any valid reasons Blue. You gave me reasons to leave you", sagot ko

"Anong rason? Kasi putangina, ano bang dahilan? Hindi ko alam. Wala akong kaalam-alam", mahinang sabi niya

"Pupuntahan kita dapat after ng practice mo ng basketball. I was going to tell you that you got me pregnant. Hindi ko alam ang gagawin ko non kaya gusto ko kaagad sabihin sayo. Gusto kitant surpresahin pero ako ang nasurpresa sa narinig ko non", sagot ko

Kumunot ang noo niya kaya nag-iwas ako ng tingin at yumuko para hindi niya makita ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

"I heard you talking to a girl, I don't even know her. Sinabi niyang nabuntis mo siya at maski ako, nag-isip kung papaanong nangyari 'yon. Aside sa kapatid ko, wala akong ibang alam na naging ex mo. Kaya hindi ko alam kung paanong nakabuntis ka ng ibang babae. Gusto kong lumapit at sampalin siya, but I was so scared. Kaya nakinig lang ako. You told her pananagutan mo yung bata, dun ko na hindi kinaya. Why would you say that? Sasabihin mo 'yon kasi alam mong may dapat kang panagutan", dagdag ko

I am Bleu, He is Blue (Completed)Where stories live. Discover now