Chapter 13

53 3 0
                                    

BLEU'S P.O.V.

After an hour of staying with Kant, I was calming myself. He didn't talk at all. He didn't try to distract me or what. Kagaya ko ay nakatingin lang din siya sa kawalan.

"Let's go. I'll take you home. It's getting late", mahinahong sabi niya

Tumango lang ako bilang pagsagot at inalalayan naman niya kong tumayo. Hinubad niya ang denim jacket niya at isinuot iyon sa akin. Napatitig lang ako sa kanya habang isinusuot niya sakin ang jacket niya.

"Don't stare at me. I might melt", mahinang sabi niya

Saka siya tumingin sakin at nginitian ako. Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin dahil nakaramdam ako ng hiya. He caught me staring! Nakakahiya!

"Wear this. Your safety first before mine", sambit niya

Saka niya isinuot sakin ang suot niyang helmet kanina.

Maya-maya pa, nilabas niya ang cellphone niya at nag-dial ng number. Unknown number.

"I'm taking her home. You can just wait in their house", seryosong sambit ni Kant

Saka na niya pinindot ang end call saka ibinulsa ang phone niya at sumakay na sa motor niya. Inantay ko munang paandarin niya 'yon bago ako sumakay. At dahil sa nahihiya na ako, sa balikat niya ko humawak.

"You sure with that?", tanong niya sakin

"O-oo", nahihiyang sabi ko

Hindi niya na ko sinagot at nakita ko ang pagngisi niya bago siya magsimulang magmaneho.

"Kant!", sigaw ko

Kaagad kong inilipat ang kamay ko sa may bandang tiyan niya dahil sobrang bilis niyang magpatakbo!

"Hold on tight baby. I have no plans of letting you go either", sambit niya

Isang mahinang tawa pa ang narinig ko mula sa kanya bago siya natahimik. Nakakainis!

Nakapagtataka lang dahil alam niya kung saan ako nakatira. Ni hindi ko naman sinabi sa kanya o tinuro ang daan.

"Bleu!"

Pagkababa ko ng motor ni Kant ay kaagad akong inambahan ng yakap ni Devon.

"Thank God your safe!", sabi ni Devon

Ginantihan ko siya ng yakap kaagad at nagsimula na namang umiyak.

"Kant", rinig kong sabi ni Blue

Hindi ko alam kung anong nangyayari dahil nakasubsob ang mukha ko sa dibdib ni Devon habang umiiyak.

"I'll go now. Hinatid ko lang siya. Let her rest. She must be tired", rinig kong sabi ni Kant

Narinig ko ang pag-start ng motor niya.

"Thank you", rinig kong sabi ni Devon

"No need to thank me", sabi ni Kant

Hanggang sa narinig ko na lang ang pag-alis niya.

Humiwalay sa pagkakayakap sakin si Devon at pinunasan ang luha ko.

"Damn it, I'm gonna kill that goddamn bastard when I see him!", galit na sigaw ni Devon

"We can handle that", sabi naman ni Slate at nagtaas ng kamay

Kaagad akong umiling sa kanila. Ayokong manakit sila ng ibang tao o masangkot sila sa kahit anong gulo nang dahil lang sa akin.

I am Bleu, He is Blue (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu