Chapter 5

75 4 3
                                    

BLEU'S P.O.V.

Ilang araw na ang lumilipas at nakapagtatakang nandito pa rin sa bahay ang parents ko. Hindi ko naman sinasabing umalis na sila, it's just that hindi ako sanay. Hindi din kasi sila mapirmi dito sa bahay.

"May lakad ka anak?", tanong ni mommy pagkababa ko mula sa kwarto ko

Tumango lang ako bilang pagsagot.

"Kumain ka muna kung ganon. Look, I cooked your favorite food!", nakangiting sabi ni mommy

Napatinngin ako sa dining area at nakita kong marami ngang pagkaing nakahanda ngayon. Gusto kong kumain, madalang ko lang matikman ang luto ni mommy. Pero nasa hapagkainan si daddy.

"Hindi na mommy. Kakain rin naman kami ni Devon sa labas", sagot ko

Nakita ko ang disappointment sa mukha ni mommy peeo ngumiti lang siya sakin.

"Ganon ba? Sige next time na lang anak. May pera ka pa ba? Wait, I can give you some kung may lakad ka!", sabi ni mommy

Kaagad siyang umakyat sa kwarto at pagkabalik niya ay nagbigay siya sakin ng 10,000 cash. It's too much.

"Mom, may pera pa ko. I don't need this", sabi ko

Binabalik ko sa kanya yung pera pero ayaw niya ng kunin.

"Sige na, baka mahuli ka pa sa lakad niyo ni Devon", sabi ni Mommy

Magpapaalam pa sana ako kay daddy pero hindi naman siya nag-abalang tumingin samin ni mommy at nagbabasa lang ng dyaryo kaya hindi na ko nagpaalam pa. Wala rin naman siyang pakialam.

"Aalis ka iha?", tanong ni yaya Madz

"Opo manang. May lakad po kami ni Devon", nakangiting sagot ko

"Naku! Aba'y nobyo mo na ba iyong si Devon iha?", tanong niya

"Halah! Hindi po yaya! Magkaibigan lang po kami ni Devon", kaagad na sagot ko

Siguro nga masyado kaming close ni Devon sa isa't isa kaya lagi na lang kaming napagkakamalang may relasyon?

"Ganon ba? Kung magkakanobyo ka'y magsabi ka sakin ha?", sabi ni yaya Madz

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

Lumabas na ko ng gate para maghintay ng masasakyan. Ayokong magpahatid ngayon at ayokong umabala ng driver. Pwede naman akong mag-commute. Pero maling desisyon yata ang nagawa ko.

"Bleu!"

Sigaw ni yaya Madz ang huling narinig ko bago ako mawalan ng malay at tuluyang tangayin ng isang van.

"Boss ano na ang gagawin natin diyan?"

"Maghintay ka nga at nag iisip pa ko kung magkano ang hihingiin kong ransom sa babaeng 'to"

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakaramdam pa ako ng kaunting pagkahilo.

"Aba, gising na pala siya boss!"

Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Oh great. I'm kidnapped?

"Kilala mo pa ba ko?", seryosong tanong ng lalaking nakadamit ng black

Tinitigan ko siya at pilit inaalala kung saan ko siya nakita. Pero hindi ko maalala. Hindi ko siya kilala.

"Ang bilis mo naman makalimot kung ganon", nakangising sabi niya

I am Bleu, He is Blue (Completed)Where stories live. Discover now