Chapter 21

66 3 0
                                    

STEFAN'S P.O.V.

Hindi ako mapakali, hindi ako matigil sa paglakad. Pakiramdam ko, sasabog ang puso ko sa sobrang kaba at takot na nararamdaman ko.

"Damn it Stefan, can you please sit down?! Mas kinakabahan ako dahil sayo!", sigaw sakin ni Slate

Napapikit ako ng mariin at tumalikod. Aalis muna ako.

"Where the hell are you going?", tanong ni Devon

"Aalis muna ko. Balitaan niyo ko kaagad. Hindi ko kayang makita ang kalagayan ni Bleu sa ngayon. Pakiramdam ko mas mauuna akong mawala sa mundo kapag nagkataon", sagot ko

Saka na ko tuluyang naglakad paalis dun. Pagkalabas ko ng hospital at pagkapasok ko ng kotse ko, agad akong tumingin sa kawalan at kusang tumulo ang luha ko.

All my life, I stayed by her side as her friend because that's what she wanted. I never pushed myself because I know it'll make things harder for her. I loved her secretly all these years.

I kept everything for myself. I suffered in pain alone. I showed them I am okay with everything although I am not. I let them see that I'm moved on when in fact I am still madly in love with her.

Gustong-gusto kong ipaglaban ang nararamdaman ko sa kanya noon. Sinubukan kong lumaban pero nung sumubok ako, nalaman ko ang tungkol sa kanila ni Blue.

Kaagad akong nagparaya para sa kanila kasi alam kong dun siya sasaya. Pinakisamahan ko sila dahil alam kong sa tamang panahon, matatanggap ko din lahat lahat. Na baka nga, hindi siya ang babaeng para sakin at nakilala ko lang siya para turuan ako ng leksyon.

Nung nalaman ko ang tungkol sa kanila ni Kant, mas lalong nadurog ang puso ko. Lalong lalo na nung manggaling sa kanya mismo na matagal na silang may relasyon. Gulong-gulo ang isip ko non, pero mas pinili kong huwag ng makialam pa at inisip ko na lang na alam niya ang ginagawa niya.

Kahit tutol ako kay Kant para sa kanya, nanahimik ako. Nanatili akong nagmasid mula sa malayo. Nakita ko kung paano siya ngumiti at tumawa habang magkasama sila. Nakita ko rin na tunay ang nararamdaman niyang saya at sa pangalawang pagkakataon, hinayaan ko ang babaeng mahal ko sa piling ng iba.

"I'm really that stupid when it comes to you", mahinang bulong ko sa hangin

Hindi ko alam kung hanggang saan ako dinala ng pagiging martyr ko sa iisang babae. Hindi na ko nakuntento sa pananakit sa sarili ko at dumalo ako sa kasal niya. Oo, nagpunta ako. Walang nakakaalam na nagpunta ako sa kasal nilang dalawa.

Nasa malayo ako, sa lugar kung saan hindi niya makikitang naroon ako. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad siya papalapit sa lalaking naghihintay sa kanya sa harap ng altar. Bawat paghakbang niya ay parang kutsilyong sumasaksak sa puso ko.

Kahit nanghihina na ko habang pinapanood siya, nanatili akong nakatayo at pinagmamasdan siya mula sa malayo. Nagbabaka-sakali ako na sa pagkakataong 'to, baka tuluyan ko ng matanggap ang katotohanang hindi siya ipinanganak para sakin. Na baka sakali, kaya ko na siyang pakawalan ng tuluyan.

Pero mali na naman ako.

Ilang taon ang lumipas at nanatili akong nagmamasid sa kanya. Panatag ako dahil hindi niya nararamdaman ang presensya ko at mas lalong hindi niya ko nakikita.

I am Bleu, He is Blue (Completed)Where stories live. Discover now