Chapter 9

64 4 0
                                    

BLEU'S P.O.V.

"Good morning!"

Umagang umaga at nakangiting mukha ni Stefan ang bumumgad sakin pagkapasok ko ng classroom. Hindi naman ako naiirita sa kanya. In fact, nahihiya ako.

"Bleu, 'wag kang ma-awkward sakin. Act normal. Act like how you act before, okay? Wala naman akong ineexpect na kahit ano sayo", nakangiting sabi ni Stefan sakin habang lumalapit siya

Napayuko na lang ako. Napansin ko rin kasing naagaw na namin ang atensyon ng iba naming kaklase.

"Pero kasi—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagulat ako sa pag-akbay niya sakin at ginulo niya ng bahagya iyong buhok ko.

"Baliw. Magkaibigan pa rin tayo. I won't risk the friendship we have para sa isang bagay na hindi naman ako sigurado. Friendship na lang ang meron tayo, kaya hindi ko na wawalain kahit 'yon man lang", seryosong sabi niya

Hindi na ko sumagot at tumango-tango na lang. Saka na ko dumeretso sa upuan ko at nanahimik na don. Hindi na din naman ako ginulo ni Stefan pagkatapos non.

Buong klase ay tahimik ako at sobrang lutang. Hindi ko alam kung saan nililipad iyong utak ko habang nagklaklase kami.

"What's bothering you?"

Napalingon ako at napatigil sa paglalakad nung biglang sumulpot sa tabi ko si Kant.

"What? I won't harm you if that's what you're thinking. I really just want to be friends with you", sabi niya

Hindi ko alam pero bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang nakikipagkarera. Bakit ba palagi na lang ganito?

"Staring is rude, you know. But if it's you who's staring at me, it's fine", nakangiting sabi niya

Wala bang ibang kaibigan 'to? Walang ibang magulo? Bakit ba laging ako ang kinukulit nito?

"Hmm", nakataas kilay niyang sabi

Inirapan ko lang siya at nagsimulang maglakad palayo. Pero hindi pa ko nakakailang lakad ay bigla na lang may humila sa kamay ko.

"W-what the h-heck?", nauutal at gulat kong sabi

Pagkaharap ko sa kanya ay kaagad na yakap ang sumalubong sakin.

"Can you hear it? My heart screams your name", mahinang sabi niya

Hindi ako nakapagsalita. Kasing bilis ng tibok ng puso ko ang sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Hindi ka talaga nadala eh noh?"

Pakiramdam ko ay nabuhusan ako ng malamig na tubig nung marinig ko ang boses na 'yon.

Agad na may humila sakin papalayo kay Kant at nakita ko na lang ang pag-landing ng kamao ni Blue sa mukha ni Kant.

"Blue!", gulat na sigaw ko

Hawak-hawak ni Bleu ang isang kamay ko, at ang isang kamay niyang nakayukom pa din matapos niyang suntukin si Kant.

At kagaya ng dati, malamang sa malamang, madami na namang mga chismoso't chismosa na pumaligid agad samin!

"Blue, tama na please. Wala naman siyang ginagawang masama sakin", mahina kong sabi

"Sinabi kong layuan mo siya diba?! Ano bang hindi mo maintindihan dun Kant!? Mahirap bang intindihin 'yon!?", sigaw ni Blue

I am Bleu, He is Blue (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat