STEFAN'S P.O.V.
"Oh well good morning future Dr. Blue Joachim Narvaez!", sabay naming sigaw ni Slate
Saka kami naupo sa couch ng office ni Blue.
"Sus, ano ba itatawag namin sayo? Doctor o the youngest CEO of all times?", nakangising tanong ni Devon
Ilang taon na rin ang nakalipas. Ten? Haha.
"You can call me anything you want. Crazy bastards", natatawang sabi ni Blue
Nagtawanan naman kami matapos niyang magsalita.
"Blue, before I forget, Bleu's coming home", sabi ni Devon
Lahat kami natahimik nung mabanggit ang pangalan ni Bleu.
"Oh, I see", sabi ni Blue
Nagkatinginan kaming tatlo at hinihintay ang susunod na sabihin ni Blue pero nagkibit-balikat lang siya at itinutok ang atensyon niya bigla sa laptop niya.
"She's coming home with Kant and Brynn and Enoch", dagdag pa ni Devon
Mas lalo kaming natahimik. Hindi ko alam kung ano ang dapat na reaksyon namin, pero mas hindi ko alam kung ano ba ang dapat na reaksyon ni Blue. Kung meron man saming dapat mas mag-react dito, si Blue 'yon.
Ten years ago, matapos nung sinabi ni Kant ang tungkol sa kasal nila ni Bleu, inamin samin lahat ni Blue. Sabi niya, may nararamdaman siya para kay Bleu pero natatakot siyang umamin. Hindi pa niya kayang umamin.
Matapos ding mag-18 ni Bleu, na-announce kaagad ang engagement nila ni Kant at ang hindi namin maintindihan non, inamin nilang matagal na silang may relasyon.
It shocked us all but what can we do? Kung doon masaya si Bleu, sino ba kami para pigilan siya diba?
Matapos ang announcement ng engagement party nila, bigla silang nangibang bansa. Doon na rin sila nagpakasal. Bitter na kung bitter pero wala ni isa samin ang nagpunta sa kasal. Mismong si Devon ay hindi nagpunta. Tapos 5 years ago, bigla na lang lumabas sa balita na may anak na silang kambal. Sina Brynn at Enoch.
"May welcome party sa bahay nila. She told me to tell it to you guys, so I hope you can come. She's expecting you", sabi ni Devon
"Oo naman pupunta ako. Tagal na din nung huli ko siyang nakita", nakangiting sabi ni Slate
Ganun ang nangyari pero hindi naman kami galit kay Bleu. Nagtampo siguro kami, oo. Pero hindi naman kami nagalit.
"I'll see if I can come", sabi ni Blue
Lahat kami napatingin sa kanya.
"Blue, please make time. She asked for you", sabi ni Devon
"For what? Para ipamukha saking may masayang pamilya na siya while here I am busy working just to forget what we had?", sabi ni Blue
Hindi ko alam kung anong meron sila ni Bleu. Wala ni isa sa amin ang nakakaalam. Sila lang ang nakakaalam. Kaya wala kaming masabi. Wala kaming maipayo. Wala kaming maitulong.
"Blue, hindi ganon", sabi ni Devon
"Fine", sagot ni Blue
Saka na siya tumayo at sinuot ang coat niya.
"I'll go ahead, may meeting pa ko. Maiwan kayo dito kung gusto niyo", dagdag pa niya
Saka na siya nagsimulang magmartsa palabas ng office niya.
"I can't blame him", biglang sabi ni Slate
"I can't either", sagot ko habang tulala sa pinto ng office ni Blue
YOU ARE READING
I am Bleu, He is Blue (Completed)
RomanceWas it really a fate that he is Blue and I am Bleu? What does our name mean anyway? Are we destined for each other? Or our names describes our fate? Story Started: February 06, 2020 Story Ended: February 22, 2020 Book Cover: KGC GRAPHIC SHOP