Chapter 18

65 3 0
                                    

KANT'S P.O.V.

I do not know how to react. I wanted to tell him my side, but I know he won't even believe me. After all the mistakes I've done, I do not think they will ever believe me.

"I'm sorry Kant. Dahil sakin, nadamay ka pa. Mas lalo tuloy sumama ang tingin nila sayo", sabi ni Bleu

I held her hand and smiled just to assure her it's fine with me, even though it's not.

"It's fine baby. I am fine. It's fine with me if they get mad at me. Basta hindi lang sayo", sabi ko

Sa tingin ko naman kasi, kayang-kaya kong tanggapin lahat lahat ng sasabihin nila sakin. Lahat ng masasakit na salitang pwede nilang sabihin sakin, kayang-kaya kong tanggapin. Ang hindi ko kaya ay yung kapag si Bleu ang pinagsalitaan nila ng hindi maganda.

"Daddy, is he our real daddy? The one we saw at the mall", tanong ni Enoch

Oo, aaminin kong inisip ni Bleu na ipagkait na makilala nila kung sino ang totoong tatay nila kaya kami nangibang bansa noon pero ngayon, hindi na niya pinagkakait na makilala ng mga bata si Blue. Humahanap lang kami ng tamang panahon para itama 'yon noon at sa tingin ko ay ngayon na 'yon.

Karapatan ng mga batang malaman ang totoo at ayaw naming lumaki silang may kulang sa pagkatao nila kaya sinabi namin kaagad ang totoo. Hindi naman sila mahirap umintindi at sa tingin ko, dahil na rin sa parehas na mataas ang IQ ng mga magulang nila.

"He doesn't look like me nor Enoch, so I think it's not him. Daddy, when will we meet our real daddy then?", tanong naman ni Brynn

Isang dahilan kung bakit umuwi kami dito sa Pilipinas ay para ipakilala sina Brynn at Enoch kay Blue. Nagbabakasakali kaming magiging maayos ang lahat kaya naman nagsagawa kami ng welcome party. Umaasa kaming dadalo si Blue.

"Soon baby, soon", sagot ko

Lumapit silang dalawa sakin at niyakap ako ng mahigpit. Kahit na hindi ko totoong anak ang dalawang 'to, napamahal na rin sila sakin ng sobra. Dahil na rin siguro, ako ang tumayong ama nila simula nung ipinanganak sila.

"For now, go on and take a shower. You must dressed well tonight so your father will be happy when he sees you both", sabi ko

"Yes daddy!", sabay nilang sagot at lumabas na sila ng kwarto

May sarili naman kasi silang kwarto. Malalaki na daw sila kaya gusto nila may sarili silang privacy.

"Kant, sa tingin mo ba, mapapatawad pa ko ni Blue when he finds out about Brynn and Enoch?", tanong ni Bleu habang nakatulala

Lumapit ako sa kanya at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko saka ko hinawakan ang kamay niya.

"Of course. Siguro magiging mahirap, but he will understand in time Bleu", sambit ko

Hindi ko rin naman masisisi si Bleu kung nagawa niyang ilayo ang mga bata kay Blue. Kung ako ang nasa posisyon niya, siguro ay ganoon din ang gagawin ko.

Mahal na mahal ni Bleu si Blue hanggang ngayon at alam ko 'yon. Kaya kahit sabihin kong nagkasama kami sa loob ng sampung taon, hindi nabago non yung katotohanang si Blue lang ang nag-iisang laman ng puso niya.

"Go get dressed. You should get ready. The party is about to start", sabi ko

Tumango siya at napabuntong hininga bago tuluyang tumayo at nagderetso sa banyo.

Pinanood ko lang siyang maglaho sa paningin ko bago ko tuluyang hinayaang bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ko.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan dahil sobrang nasasaktan ako. Pero yung sakit na nararamdaman ko, walang wala pa sa sakit na nararamdaman ni Blue panigurado.

I am Bleu, He is Blue (Completed)Where stories live. Discover now