Chapter 27

62 3 0
                                    

BLUE'S P.O.V.

I saw how she cried because of him. The pain in those eyes, I knew it hurt her so much.

Pero sino ako para kwestyonin siya sa kung ano man ang nararamdaman niya? Ako lang naman yung lalaking mahal niya, pero hindi ibig sabihin non ay sakin lang iikot ang mundo niya.

I understand her. I understand why is she crying so hard when Kant left. Because he loved her and he still does. He loved her more than I could.

Kung tutuusin, sa labanang 'to, talo ako. Kasi kung pagkukumparahin kami ni Kant, mas ako pa yung gago saming dalawa.

Kant was there when I was not. He took care of my child and stood up as their father when I wasn't there for them. He stayed by Bleu's side and never left her even if he can. Because that's the love he has for her. An undying love and a love that I can never surpass.

Siguro, swerte na lang ako na despite of my flaws and all of my mistakes, Bleu still chose to be with me.

Kaya kahit gusto kong magreklako, magalit, o mainis sa nakikita ko ngayon, hindi ko magawa. Kasi wala akong karapatang gawin 'yon. Kasi mahal ko siya, sobra, pero hindi 'yon sapat na dahilan para paghigpitan ko siya at angkinin ko siya.

Gustuhin ko man siyang ipagdamot at gusto ko mang sakin lang siya, alam kong hindi pwede. Kasi malawak ang mundo niya at hindi lang ako ang laman non. Marami pang iba.

"Love", mahinang pagtawag ko sa kanya

Patuloy siya sa pag-iyak habang hawak-hawak niya ang kwintas na suot niya. And I think, that's Kant's gift to her.

"I...I never wanted him to leave, but I am so selfish if I ask him to stay. He deserves happiness at hindi ko kayang ibigay 'yon sa kanya", sambit ni Bleu

Sobrang sakit na makita siyang ganito dahil sa iba. Sobrang sakit na marinig ko ang mga ganitong salita mula sa kanya. Pero wala akong magawa.

"He has done so much for me, for Enoch and Brynn. Pero ako? Anong nagawa ko para sa kanya? All I gave him was pain—the scars that I will remind him of how I rejected his heart", umiiyak na sambit ni Bleu

Sobrang kumikirot ang puso ko ngayon pero nagawa ko pa ring ngumiti at yumuko saka ko siya hinarap.

Pinunasan ko ang mga luhang rumaragasa sa pisngi niya kahit alam kong ang mga luhang 'yon ay hindi para sakin kundi para sa iba.

"Love, you love him but it's not the way how he loves you. I think that's enough for him. You let him stay by your side, be a father to Enoch and Brynn. You were with him for how many years and all those years, I know, you made him happy unconsciously", sabi ko sa kanya

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sa mga mata ko pero patuloy pa rin sa pag-iyak.

"You know Bleu, sometimes, we need to let go of that someone or something that hurts us so much for us to find peace in our hearts and happiness we deserve. Kasi wala eh, hangga't kumakapit tayo sa mga bagay o tao na nakakasakit satin, mas lalo tayong hindi makakaahon. Mas lalo lang tayong malulunod", sambit ko

I am Bleu, He is Blue (Completed)Where stories live. Discover now