BLEU'S P.O.V.
Matapos ang insidenteng 'yon ay para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Pakiramdam ko, sobrang naginhawaan ang puso ko matapos kong makausap ang kapatid kong matagal ng yumao.
"Hi Bleu!"
Agad akong napalingon sa tumawag sakin at nakita kong si Kant iyon. Gustuhin ko man siyang pansinin, naalala ko ang mga babala sakin nila Devon.
"Hi, why are you alone?", nakangiting tanong niya saka siya umupo sa tabi ko
Hindi ko na lang siya pinansin at nag-abala sa pagkain ko.
"Woah, iniiwasan mo ba ko?", tanong niya ulit
At kagaya kanina, hindi ko na lang din siya pinansin. Ewan ko, peeo my heart beats really fast as if it's on a race everytime nakikita ko si Kant.
"Did they tell you to stay away from me?", seryosong tanong niya
Nung mapansin ko ang pag-iiba ng tono niya ay napatingin ako sa kanya at sumalubong sakin ang seryoso niyang mukha.
"H-hindi", nauutal kong sabi
Saka ako kaagad na nag-iwas ng tingin at sumubo ng cake na kinakain ko.
"Then why aren't you talking to me? I just want to be friends with you", sabi niya
"But she doesn't want you as a friend. So get lost"
Kaagad akong napatayo nung marinig ko ang boses na 'yon.
"B-blue", nauutal na sabi ko
Hindi ko alam kung saan siya nanggaling. Hindi ko rin alam pero bigla bigla na lang siyang sumusulpot kung saan saan.
"Why do you keep on meddling with my business huh?", iritang tanong ni Kant kay Blue at tumayo na rin ito
Naglakad siya palapit kay Blue at hinarap ito. Kung tutuusin ay magkasing tangkad lang sila pero mas matangkad ng konting-konti si Kant kaysa kay Blue.
"Bleu is not your goddamn business, Granger", seryosong sabi ni Blue
"She isn't your busines either, Narvaez", seryosong sagot ni Kant
"She is our business, so you stay away from her Kant"
Napatingin ako sa likuran ni Blue at nakita ko si Slate. Kaagad namang lumapit sakin sina Stefan at Devon para ilayo ako kay Kant. I really don't understand why do they have to do this. I mean, I think Kant isn't that bad?
"Since when did she became your business Slate? I didn't know that after all these years, Bleu will be the first girl of your life", natatawang sabi ni Kant
"She isn't just a girl na pwede mong gaguhin Kant. Kaya kung may balak kang taluhin si Bleu, itigil mo na. Kasi hindi namin siya hahayaang mapunta sa isang kagaya mong gago", seryosong sabi ni Slate
I've never seen Slate this serious. Pakiramdam ko nag-aalab yung mga mata niya sa sobrang galit ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit ang tindi ng galit nila kay Kant.
"Are you okay? Did he hurt you?", nag-aalalang tanong sakin ni Devon
Kaagad akong umiling bilang pagsagot.
"I'm still thinking of you as a friend Kant. Pero kung tataluhin mo si Bleu, baka makalimutan kong kaibigan kita", seryosong sabi ni Stefan
"Matagal ko ng kinalimutang kaibigan kita", seryosong sagot ni Kant sa kanya
![](https://img.wattpad.com/cover/213491474-288-k584182.jpg)
YOU ARE READING
I am Bleu, He is Blue (Completed)
RomanceWas it really a fate that he is Blue and I am Bleu? What does our name mean anyway? Are we destined for each other? Or our names describes our fate? Story Started: February 06, 2020 Story Ended: February 22, 2020 Book Cover: KGC GRAPHIC SHOP