Chapter 25

66 3 0
                                    

BLUE'S P.O.V.

I was about to leave the house when a piece of paper suddenly caught my attention. I picked it up and slowly open it.

"This is still with me huh?", nakangising bulong ko sa sarili ko

Ito yung papel na napulot ko nung araw na pinakilala ni Devon samin si Bleu. Hindi ko alam kung saan 'to nanggaling at bigla na lang nilipad ng hangin sakto sa mukha ko.

"But this is the best poetry I have read so far", natatawang sabi ko

Saka ko na ito ibinulsa at kaagad na bumyahe papuntang hospital para makipagsalitan. Ngayon kasi ako magbabantay kay Bleu.

"Daddy!", sabay na sigaw ng dalawang anak ko

Kaagad akong napangiti nung makita ko sila at inambahan naman nila ko ng isang mahigpit na yakap. Ganito pala kasarap sa pakiramdam na magkaroon ng anak. Ganito pala ang pakiramdam maging isang ama.

"How are my babies?", nakangiting tanong ko

Hangga't maaari ayokong ipakita sa mga anak ko na mahina ako. Ayokong mapanghinaan sila ng loob. Gusto ko silang maging matatag dahil alam kong sila ang pinagkukuhanan ni Bleu ng lakas ng loob.

"Daddy, when will mommy wake up?", tanong ni Enoch

"Soon baby. Let's pray for your mommy's fast recovery alright?", nakangiting sagot ko saka ko ginulo ang buhok niya

Unti-unti naman siyang tumango at nasaksihan ko ang unti-unting pagliwanag ng mukha niya.

Mas lumapit naman sakin si Brynn at napansin kong nakabusangot siya.

"What's wrong Brynn?", nag-aalalang tanong ko

"It's been how many weeks but I haven't seen daddy Kant yet. Did he left us too daddy Blue?", tanong sakin ni Brynn

Kaagad akong natahimik. Napaisip ako at tama nga siya. Hindi pa bumibisita si Kant magmula nung lumala ang kondisyon ni Bleu. Wala rin akong balita sa kanya. Hindi ko mahagilap kahit anino niya.

"I do not know baby, but I'm sure he won't leave you. I'll try to contact him alright?", nakangiting sagot ko

Tumango naman siya at hinila na si Enoch papasok sa kwarto ni Bleu.

Hindi ko rin naman sila masisisi kung hahanapin nila si Kant dahil siya ang kinalakihan nilang ama. Kahit na ayoko kay Kant, hindi ko naman ipagkakait ang mga anak ko sa kanya. Hindi ako magdadamot.

"Blue, nandito ka na pala iho", bati ng mommy ni Bleu nung pumasok ako

"Opo. Ako na po ang magbabantay kay Bleu. Pwede na po kayong magpahinga", nakangiting sagot ko

Tumango at ngumiti lang ang mommy ni Bleu sakin.

"Ikaw na muna ang bahala sa anak ko Blue. Babalik din kami kaagad", sabi ng daddy ni Bleu

"Sige po sir", sagot ko

Tinanguan niya lang ako at tinapik ang balikat ko bago sila tuluyang umalis ng mommy ni Bleu.

Naupo naman kaagad ako sa tabi ni Bleu habang pinagmamasdan ang mukha niya.

Siguro nga'y ganon na lang ang pag-ibig na nararamdaman ko kay Bleu dahil hindi ko magawang magsawang titigan ang mukha niya. Hindi ko magawang magsawa kahit pa siya ang palagi kong kasama. Hindi ko magawang magsawa kahit pa siya na lang ang palagi kong nakikita.

I am Bleu, He is Blue (Completed)Where stories live. Discover now