Chapter 6

75 3 0
                                    

BLEU'S P.O.V.

Paggising ko bumungad sakin ang isang liwanag at ang tanging nakikita ko lang ay kulay puti. Patay na ba ko?

"Bleu? Bleu!"

Rinig kong sigaw ng isang lalake.

"Guys gising na si Bleu!", dagdag pang sigaw niya

Iginala ko ang paningin ko hanggang sa mapagtanto kong nasa isang kwarto lang pala ako ng hospital. Napapikit ako ng mariin at medyo nakahinga ng maluwag. Somehow, may parte pa rin saking gusto pang mabuhay.

"Bleu, are you okay? Anong nararamdaman mo?"

Tinitigan ko siya dahil sa tanong niya.

"S-sino ka?", nauutal kong tanong

Nagkatinginan sila dahil sa naging tanong ko.

"B-bleu? Hindi mo kami kilala?"

Hindi ako sumagot.

"Tumawag nga kayo ng doctor, bilisan niyo!", sigaw niyo

Pero bago pa man din makalabas ng pinto si Stefan ay humalagpak na ko sa kakatawa. Dahil sa pagtawa ko, napatingin silang lahat sakin.

"You actually believed na hindi ko kayo naalala? You think we're in a movie where after a car accident ay magkaka-amnesia ang naaksidente? That's ridiculous!", tumatawang sabi ko

Napabuntong hininga sila at kitang kita ko sa mga mukha nilang nakahinga sila ng maluwag.

"You scared the hell out of me!", sigaw sakin ni Slate

Napatawa na lang ako at napailing. Tawang-tawa talaga ako sa mga reaksyon nila kanina nung tinanong ko kung sino sila.

"Bleu please, if you have a problem nandito lang naman kami. I am here for you. Call me at pupuntahan kita, kahit ano pang ginagawa ko ititigil ko para puntaha. ka. Ganon ka kaimportante. Kaya please, 'wag na 'wag mo na ulit 'tong gagawin", seryosong sabi ni Devon

Tumango ako at ngumiti. Napabuntong hininga ako. Somehow, may awa pa naman sakin si God at hinayaan niya kong mabuhay.

"Bibilhan lang kita ng pagkain. For sure ayaw mo ng pagkain dito", sabi ni Stefan sakin

Tumango na lang ako bilang pagsagot. Nginitian niya ko saka siya lumabas at sumunod naman si Slate sa kanya.

"Ano? Magtanong ka na. Alam kong may gusto kang itanong", sabi ko kay Devon

Napabuntong hininga siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Ano ba kasing nangyari? Alam mo bang sobrang nag-alala ako. Akala ko na-late ka lang kaya naghintay ako, pero oras na ang lumipas wala ka pa din. Nung sinabi sakin ni yaya Madz na may dumukot sayong black na van, halos isumpa ko na yung sarili ko kasi pakiramdam ko kasalanan ko lahat", nag-aalala niyang sabi

"Wala kang kasalanan Von, okay? Unexpected 'yon", sabi ko

Totoo naman. Tsaka isa pa, kahit naman mamatay ako hinding hindi ko siya sisisihin. Baka nga mag-thank you pa ko sa kanya.

"Okay ka na ba? May masakit ba sayo?", nag-aalalang tanong niya

Umiling ako at ngumiti bilang pagsagot. Though medyo ramdam ko pa din talaga ang panghihina.

"We're back!", sigaw ni Slate pagkapasok niya ng kwarto

"Ang bilis niyo naman?!", iritang sigaw ni Devon

I am Bleu, He is Blue (Completed)Where stories live. Discover now