Chapter 22

68 3 0
                                    

DEVON'S P.O.V.

Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin nagbabago ang kondisyon ni Bleu. Hindi nagreresponse ang katawan niya sa medication na binibigay sa kanya. Gusto kong mawalan ng pag-asa pero mas pinipili kong magpakatatag at magtiwalang makakaya niya. Malalagpasan niya 'to.

"Devon, kahit kailan ba, hindi mo nagustuhan si Bleu nang higit pa sa pagiging kaibigan?", tanong sakin ni Blue

Napangiti ako ng mapakla habang nakatingin kay Bleu. Kaming dalawa lang ni Blue ngayon at narito kami nagbabantay kay Bleu. Nagbabaka-sakali na bigla siyang gumising.

"I did. I still do", sagot ko

Napansin kong nabaling ang tingin niya sakin.

"Then why didn't you try courting her? Why didn't you try telling her how you feel?", tanong ni Blue

Napatawa ako at napayuko.

"Sinubukan ko Blue. Ilang beses. Pero sa tuwing susubok ako, nakikita ko kayong magkasama. I saw how she looked at you. It's so different from the way she looks at us. I can easily tell how she feels for you by just the way she looks at you and how she smiles at you. I can see the love she has for you. Who am I to mess up with how she feels right?", sabi ko

Totoo 'yon. Ilang beses kong sinubukan pero hindi nakikiayon sakin ang panahon. Maybe that was to tell me that she wasn't bound to be with me. That she was meant for someone else.

"Did I get in your way?", tanong ni Blue

"Nah. Siguro nga, ikaw talaga yung para sa kanya kaya I never tried pushing myself to her", sambit ko

I can still remember the day they first met.

FLASHBACK

"Bleu/Blue!", sabay sabay naming sigaw

Ang pinagkaiba lang, isinigaw nila Slate ang pangalan ng kaibigan namin, habang ako isinigaw ko ang pangalan ng babaeng mahal ko.

Bakas sa mukha ni Bleu ang pagkagulat nung tawagin ko siya.

"Why'd you need to shout my name? Miss me that much dude? Quit it. It's freaking gay", sabi ni Blue

Humalagpak sa tawa si Stefan dahil sa sinabi niyang 'yon.

"I'm not shouting your name! I'm not even talking about you! I'm talking about her", sagot ko sa kanya

Unti-unting napalingon samin si Bleu hanggang sa tuluyan na siyang humarap samin.

"Bleu!", nakangiting ko

"Haha. H-hi?", nahihiyang sabi niya

"Bleu! Namiss kita!", sigaw ko

At kaagad na lumapit sa kanya saka ko siya niyakap ng mahigpit.

I am Bleu, He is Blue (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang