Chapter 24

70 3 0
                                    

A/N: This whole chapter will be the point of view of Bleu's father.

LEO'S P.O.V.

Ilang linggo na nga ba kaming balisa at hindi makakibo? Sa tingin ko, magtatatlong linggo na kami rito. Pasalit-salit sa pagbabantay sa anak ko. Hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat at tamang gawin ngayon.

"Leo, do you think Blue will agree to us if we tell him that let's just give her up? Masakit din sakin bilang ina ni Bleu na pakawalan siya, but what if we're holding her back? What if she's in more pain right now? What if mas magiging mabuti kung sumuko na lang tayo?", sabi ng asawa ko

Napangiti ako ng mapakla habang nakatingin sa anak kong hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa hospital bed.

"Do you know how much I regret that I never made Bleu felt that she is the best daughter for me?", nakangiting tanong ko

"Leo", mahinang pagtawag sakin ng asawa ko at hinawakan niya ang kamay ko

Liningon ko siya at kitang-kita ko sa mukha niya ang lungkot at sakit na siguro, nararamdaman ko rin ngayon. O baka, mas malala pa ang nararamdaman ko.

Naramdaman ko ang panggigilid ng luha sa mga mata ko habang nakangiti ako at ramdam na ramdam ko ang pagkirot ng puso ko.

"I have always neglected her. I made her feel that she's useless. I have always shown her that I am disappointed in everything she do. I made her feel that she have never made me proud. But she was wrong and so do I", sabi ko

Hindi nagsalita ang asawa ko at mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Ibinalik ko ang tingin ko sa anak ko at hindi ko maiwasang mapaluha habang inaalala ko kung paano ako naging walang kwentang ama sa kanya.

Ni minsan hindi ko naiparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano siya kaimportante sakin. Bagkus, wala akong ibang ginawa kundi saktan siya at paiyakin.

"She must've felt really bad when she celebrated her birthdays alone. She must've really in pain everytime she celebrates christmas and new year's eve on her own. She must've in deep pain whenever we always choose business meetings over her awarding days. I must've been the worst father she have ever had", lumuluhang sambit ko

"Leo, whatever you have done, Bleu always loves you", sabi ng asawa ko

"And that hurts me even more. As her father, I should've been the one who showed her what really love means. I should've been the one who protected her because it is my duty. I should've been the one who have always been there through her bad times in life. But I wasn't there for her. I neglected my own child and that made me the worst father in this world", sabi ko

Madaming beses akong nagpaka-ama sa ibang bata sa lansangan, sa anak ng mga kaibigan ko, pero sa sarili kong anak mismo hindi ko nagawang maging isang mabuting ama. Na dapat ay iyon ang ginagawa ko pero masyado akong nabulag sa sakit na naidulot ng pagkamatay ng isang anak ko.

"I've always blamed her for Brenna's death because I couldn't blame anyone. I should've blamed myself instead but I can't kaya siguro kay Bleu ko naibaling lahat ng hinanakit ko sa pagkamatay ni Brenna", sabi ko

Napabuntong hininga ang asawa ko at unti-unti ay ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya habang maingat na hinahagod ang buhok ko. Mas lalo akong napaluha dahil sa ginawa niyang iyon.

Iniisip ko na baka ganito rin ang kailangan ni Bleu noon pero wala ako para gawin 'yon. Na baka kailangan niya rin ng pagkalinga ng isang pamilya pero wala kami sa tabi niya para iparamdam 'yon sa kanya. Na baka nga kami lang ang kailangan niya sa lahat ng panahon pero wala kami at mas pinipili muna namin ang iba bago siya.

I am Bleu, He is Blue (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora