Chapter 7

76 4 0
                                    

BLEU'S P.O.V.

I can't do anything but to stare at you,
Reminiscing the memories of us two.
I can't do anything but to silently cry,
Two more minutes until we bid goodbye.

Is this how will we end?
I couldn't feel the happiness even if I'm comforted by a friend.
If I ask for more time with you, will you stay?
Or beside you, will you let me lay?

I hear nothing aside from everyone's sadness and tears,
Now you're not here with me, how shall I face my fears?
You are my strength, you are my happiness,
Knowing you'll be happier there doesn't make the pain any less.

I stood up and went where you are lying,
I'm smiling at you but I feel like I'm slowly dying.
I touched your coffin as if I have touched your face,
Today's your last day, now tell me how am I going to live for the following days?

Isang linggo din ang inilagi ko sa hospital. Paminsan-minsan ay dinadalaw ako ni Tito Dennis para kamustahin. Ngayon, nandito na ko sa bahay. At mas mabuti ang kalagayan ko ngayon, dahil wala sila mommy. Masyadong busy sa negosyo nila.

"Nagugutom ka na ba anak? Sandali na lang at matatapos na ako rito sa niluluto ko", sabi ni yaya Madz

"Ayos lang yaya. Hindi pa naman po ako gutom", nakangiting sagot ko at ngumiti

Nanatili akong nakaupo sa harap ng lamesa at uminom na lang muna ng gatas na tinimpla din ni yaya Madz.

Hindi nagtagal ay naluto na rin ang nilulto niyang pagkain ko.

"Kain ka na rin yaya. Sabayan mo na ko. Si Rem ba kumain na?", sabi ko

Naupo naman siya sa harapan ko at naglagay ng pagkain sa plato ko.

"Naku! Kanina pa kumain iyon dahil may maagang lakad daw", sabi ni yaya Madz

Napatango na lang ako bilang pagsagot at nagsimula ng kumain.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo anak?", nag-aalalang tanong ni yaya Madz

Napabuntong hininga ako bago tuluyang tumingin sa kanya at tumango, kasabay non ang pagngiti ko.

"Pwede ka namang magsabi sakin anak. Hindi iyong sinasarili mo kung ano man ang problema mo", sabi ni yaya Madz

"Ayos lang talaga ako ya", sabi ko

Hindi na rin naman siya nagsalita pagkatapos non at kumain na lang din siya.

Matapos kong kumain lumabas ako para magpahangin. Hindi ko alam pero kusa akong dinala ng mga paa ko sa isang lugar na matagal ko ng hindi pinupuntahan.

"Ang galing galing talaga ng anak ko!", masayang sigaw ni daddy

"Sabi ko na ba't sakin ka nagmana!", masayang sigaw ni mommy

Tuwang-tuwa sila sa nakababatang kapatid ko. Habang ako, ay hindi nila napansin kailanman.

"Anak, ano nga ulit ang pangarap mo?", nakangiting tanong ni daddy sa kanya

I am Bleu, He is Blue (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora