Chapter 4

83 3 0
                                    

A/N: For now, magtiis muna sa puro POV ni Bleu, saka na yung sa POV ng pacers! HAHAHAHAHAHAHA

BLEU'S P.O.V.

Matapos ang klase, hihiwalay na sana ako sa kanila pero mabilis na kinuha ni Slate ang mga gamit sa lamesa ko at kinuha naman ni Stefan ang bag ko.

"Ano ba? Akin na nga 'yan", mahinahon kong sabi

Hindi naman sa nakakaramdam ako ng iritasyon, pero parang ganon na nga. Ayoko lang kasi talaga na makagawa na naman ako ng gulo na hindi ko alam kung paano ko aayusin. Ayokong makasira ng friendship.

"Sus, tatakbuhan mo lang kami eh. Sama ka na samin. 'Wag ka na magtampo ha?", nakangiting sabi ni Stefan

Saka na sila naunang lumabas ng room ni Slate.

"C'mon Bleu, wala ka rin naman ibang kasama right? Kaya sumama ka na lang samin. Especially right now, kailangan mo ng magbabantay sayo", seryosong sabi ni Devon

I raised my eyebrows upon hearing him say that. What does he mean by that?

"Just stay with us for now Bleu. 'Wag matigas ang ulo. Sana kahit ngayon lang ay makinig ka naman sakin biglang kaibigan mo", dagdag pa niya

Napabuntong hininga na lang ako.

He's right. He has been my friend since we were kids. Simula kapanganakan magkasama na kami niyan. Pero never ako nakinig sa kanya. In fact, he always loses to me. Isang bagay na pwede ko ipagmayabang. Haha.

"Tara na?", tanong niya

Tumango na lang ako at ngumiti bilang pagsagot.

Nagulat ako sa biglaang paghawak niya sa kamay ko. He even intertwined our fingers. Ayos lang naman sakin kasi walang malisya, pero pinagtitinginan kami ng ibang estudyante.

"Von", mahinang pagtawag ko sa kanya

Pero hindi siya nagpatinag at nagderetso sa paglalakad. Habang ako, nakasunod sa likod niya at nakayuko habang hawak hawak pa din niya ang kamay ko.

"Von, pinagtitinginan tayo ng ibang estudyante", sabi ko

Narinig ko siyang napatawa ng mahina pero hindi pa rin niya binitawan ang kamay ko.

"Hindi ka pa ba sanay? Wala namang bago don Bleu", sagot niya

Napabuntong hininga na lang ako. Wala rin naman akong magagawa.

"Ang cute talaga nila tignan ano?"

"Oo nga! Bagay silang dalawa!"

"Sana sila na lang noh?"

Bulungan ng ibang estudyante. Wow. Taray! Ganda ko naman kung magkakagusto sakin 'tong si Devon! Eh iba naman mga tipo nito sa babae eh.

"Rinig mo 'yon?", tanong sakin ni Devon

Saka niya ko hinila ng malakas dahilan para makahabol ako sa kanya at magkasabay na kaming naglalakad ngayon.

"Bagay daw tayo. Ligawan na ba kita?", dagdag pa niya

Nagulat ako sa sinabi niya pero alam kong biro lang 'yon!

"Siraulo. Eh kung sapakin kita?", sagot ko sa kanya

Napatawa siya ng mahina at hindi na sumagot pa.

Maya-maya ay nakarating din kami sa cafeteria para kumain ng merienda. Oorder na sana kami pero pinigilan kami nila Stefan at Slate dahil nakabili na pala sila ng makakain.

I am Bleu, He is Blue (Completed)Where stories live. Discover now