Chapter 3

80 4 0
                                    

BLEU'S P.O.V.

Inagahan kong gumising para makaiwas kila mommy pero wala din namang silbi dahil naabutan ko pa din naman sila sa dining table.

"Kumain ka na anak bago ka pumasok", sabi ni mommy

"Sa school na lang ako kakain mommy. Malalate na ko", sagot ko

Ang totoo niyan, nagugutom talaga ko. Pero ayokong kumain kasabay sila. Pakiramdam ko'y mawawalan lang ako ng gana kaya sayang lang ang pagkain.

"Kahit konti lang anak", sabi ni mommy

Sasagot pa sana ako pero inunahan na ko ni daddy.

"If she doesn't want to, let her be. 'Wag mo siyang pag-aksayahan ng oras. Huwag pilitin ang ayaw", sabat ni daddy habang nagbabasa ng newspaper

Napabuntong hininga na lang si mommy. Hindi na lang din ako sumagot at umalis na ng bahay nang hindi nagpapaalam sa kanila. Para saan pa? Wala rin naman silamg pakialam.

-

As usual, pagkarating ko ng school, may ibang bumabati sakin at may ibang naiinis na agad. Maybe because of pacers.

"Bleu!", nakangiting sigaw ni Stefan nung makita ako

Kaagad kong tinapat ang phone ko sa tenga ko at nagpanggap na may kausap.

"Ha? Oo, papunta na ko diyan. Hintayin mo ko", sabi ko

Sapat na lakas ng boses lang para marinig ni Stefan. Kaagad akong tumalikod at naglakad papunta sa ibang direksyon para makaiwas. It's better this way na din siguro.

"You!"

Napatulala ako nung makasalubong ko iyong lalaking nakabangga ko dati!

"What's your name again?", tanong niya nung makalapit siya sakin

Hindi ako kaagad nakasagot at hanggang ngayon ay nanatili akong nakatulala sa kanya. At kagaya nung una, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Chill, I won't harm you", sabi niya tapos ngumiti siya

The heck is that smile! Bakit ganon!? Pakiramdam ko siya na ang pinakagwapong nilalang na nakita ko!

"So, what's your name? I hope we can be friends", nakangiting sabi niya at naglahad siya ng kamay

Nalipat ang tingin ko sa kamay niya. Aabutin ko ba? Makikipagshake hands ba ko!?

"Kant"

Napatigil ako sa pag-abot ng kamay niya nung marinig ko ang boses na iyon. Pakiramdam ko ay na-estatwa ako sa kinatatayuan ko at nabuhusan ako ng isang baldeng malamig na tubig dahil sa lamig ng boses niya.

"Devon! Long time no see, my friend!", nakangiting sabi ng lalaking nasa harapan ko at kaagad na tinapik ang balikat ni Devon

Nagtataka kong tinignan si Devon pero saglit niya lang din akong tinignan at ibinalik ang tingin kay Kant.

"What brings you here?", tanong ni Devon

Nagkibit-balikat lang si Kant at napatingin sakin saka siya ngumiti.

"Uy, Kanto! Nandito ka na pala ulit sa Pilipinas dude!", sigaw ni Stefan

Napapikit na lang ako nung sunod-sunod kong marinig ang mga yabag nila. Iniiwasan ko na nga, pero bakit ang hirap naman yata kumawala sa kanila?

"Stefan, you're still noisy dude", natatawang sabi ni Kant

So, matagal na nilang kakilala 'to? Pero, bakit hindi ko siya kilala?

I am Bleu, He is Blue (Completed)Where stories live. Discover now