Chapter 10

63 3 0
                                    

BLEU'S P.O.V.

Ilang araw ko ring iniwasan si Blue at hindi pinansin kahit isang beses. As in, iiwas ng tingin, lilihis ng landas kapag nagkakasalubong kami ganon. May mga times na nagta-try siyang lumapit pero kaagad akong nakikihalubilo kaagad sa ibang tao para lang makaiwas sa kanya.

"Hindi pa rin ba kayo ayos na dalawa?", tanong sakin ni Slate

"No. Tsaka ayos lang naman Slate. It's not like we're close friends diba? Kaya ayos lang", sabi ko

I didn't want to sound bitter but it turned out that way.

"Daig niyo pa ang mag-jowang may LQ", natatawang sabi ni Stefan

Inirapan ko siya at binato ng bag.

"Nakakatawa 'yon ha?! Nakakatawa?!", sigaw ko

Pero imbes na sagutin ako, mas lalo siyang humalagpak sa kakatawa.

"Akala mo nakakatuwa ka ha! Akala mo ba! Hindi ka nakakatuwa —"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nung biglaang may humila sakin patayo. Agad na nanlaki ang mata ko nung makita ko kung sino.

"Woah", sabi ni Slate

"Ano ba?! Bitawan mo nga ko!", inis na sigaw ko

Hindi niya ko pinansin at nanatiling nakatitig hanggang sa bigla na lang niya ko kaladkarin paalis don.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ko! Saan mo ba ko dadalhin?!", sigaw ko

"Blue!", rinig kong sigaw ni Devon

Pero hindi man lang siya nilingon ni Blue at nagpatuloy sa paglalakad at pangangaladkad sakin.

"Blue ano ba! Nasasaktan ako!", naiiyak na sabi ko

Eh kasi naman! Ang higpit higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko! Nakakainis! Hindi ko naman siya inaano! Hindi ko na nga siya pinapansin para walang ng gulo! Tapos sasaktan pa rin niya ko!

"I'm sorry", mahinang sabi niya

Napatigil ako at ganon din siya.

"A-anong sabi m-mo?", nauutal at gulat na sabi ko

Unti-unti siyang humarap sakin at tumingin ng deretso sa mga mata ko.

"I said I'm sorry, alright? I'm sorry if I always shout at you and make you feel so bad", mahinang sabi niya

Mahina ang boses niya pero sapat na para marinig ko ang mga sinasabi niya. Kita ko rin ang sinseridad sa mga mata niya.

"Ayos na. Huwag mo na lang uulitin. Tsaka, hindi mo na rin naman mauulit pa. Wala ka namang say sa buhay ko. I will do whatever I want. It's not like we have a special relationship para pakialaman mo ko", sabi ko

Nagtaas siya ng kilay dahil sa sinabi ko. Napapikit ako saglit nung ma-realize ko yung sinabi ko. Ano?! Anong special relationship ba ang sinasabi ko?!

"I mean, we're not even close nor friends para pakialaman mo ko. Nagkataon lang naman kasing may common friend tayo", agad na sabi ko

Gusto ko lang lumusot okay?! Hindi ko rin kasi alam kung bakit ganon na lang bigla ang lumabas sa bibig ko! Nagulat din ako okay?! Tsaka hindi ako komportable kay Blue! I still hate him!

"Then let's be friends. Starting now, we're friends. Very close friends", mariing sabi niya

Naramdaman ko ring napahigpit ang paghawak niya sa kamay ko. Bakit ganon? Bakit parang masyado siyang komportable sakin ngayon!?

I am Bleu, He is Blue (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora