Chapter 16

72 2 0
                                    

BLEU'S P.O.V.

Ilang araw ang nakalipas simula nung mangyari 'yon at ilang araw na rin akong wala sa sarili.

"Bleu ano bang nangyayari sayo? Ang bababa ng performance mo sakin at sa mga nakukuha mong scores sa mga quizzes and exams. May problema ka ba iha?", tanong sakin ng teacher ko

Umiling ako bilang pagsagot at napabuntong hininga.

"Kailangan mong bumawi iha. Kundi, pwede kang mawala sa top", sabi ng teacher ko

Tumango na lang ako bilang pagsagot. Umalis na rin naman siya matapos niya kong pagsabihan.

Hindi ko alam kung anong nangayayari sakin. Hindi ako makapagfocus sa mga ginagawa ko dahil sa sobrang pagod ko na rin siguro?

Sumunod na lang ako kila Devon sa paglalakad. Papunta kaming cafeteria para kumain ng lunch. Ni hindi ko namamalayang last class ko na pala sa umaga 'yon. Buong klase ko ngayong umaga ay lutang na lutang ang isip ko.

"Bleu, ano ba kasing nangyari?", tanong sakin ni Devon

Nakakatawa kasi tinotoo talaga ni daddy ang sinabi niya sakin. Dahil pag-uwi ko ng bahay nasa labas na lahat ng mga gamit ko.

"Sabi ni Rem pinaalis ka ng daddy mo sa bahay niyo. This is a serious one. May ginawa ka ba kaya ka pinaalis ng daddy mo?", tanong ni Devon

Agad akong napatigil sa pagsubo at marahas na ibinaba ang mga kubyertos na hawak ko. Napansin ko namang naagaw ko ang atensyon nung tatlo.

"Porket ba pinalayas ako, kasalanan ko na agad Von? Hindi ba pwedeng kasalanan nila? Na sumosobra na sila kaya nakagawa ako ng hindi ko dapat gawin pero dahil sumosobra na sila ay nagawa ko?", seryosong tanong ko

"Bleu", mahinang pagtawag sakin ni Stefan

Pero hindi ko siya pinansin at nanatili ang seryosong tingin ko kay Devon. Napabuntong hininga siya at unti-unting tumango.

"I'm sorry, I am just worried", sabi ni Devon

Napabuntong hininga na lang din ako at uminom ng tubig. Pakiramdam ko nawalan na ko ng ganang kumain.

"Saan ka ba nagsstay ngayon Bleu? Kung wala, baka matulungan kita", sabi ni Slate

Ngumiti ako at umiling.

"I have my own condo. Niregalo sakin ni Tito Dennis last birthday ko. Hindi alam nila mommy 'yon at yun ang maganda don. They won't find me", sabi ko

"Are you even safe there?", bakas sa tono ni Blue ang pag-aalala

"Yup. The security there is good so there's nothing to worry about", sagot ko

Matagal ko na ring hindi nakakausap at nakakasama si Blue simula nung nagkausap kami sa bahay. Hindi ko alam, pero ang awkward na din ng pakiramdam ko sa kanya. Feeling ko may mali.

"Alright", sagot niya

Iinom pa sana ako ulit pero biglang may humawak sa kamay ko kaya hindi ako natuloy. Paglingon ko, nakita ko si Kant. Napapikit na lang ako ng mariin at inagaw ang kamay ko, dahilan para mabasa ang damit ko.

"Bleu", sabi ni Devon

Pero hindi ko siya pinansin. Tinapunan ko ng masamang tingin si Kant habang si Devon ay abala sa pagpupunas sa damit ko.

"Let's talk, in private", seryosong sabi ni Kant

"Kant, ano na naman ba 'to? Hindi porket niligtas mo non si Bleu, papayag na kaming lumapit lapit ka sa kanya", sabi ni Slate

I am Bleu, He is Blue (Completed)Where stories live. Discover now