Chapter 26

65 2 0
                                    

KANT'S P.O.V.

Few months later.

"Daddy, come play with us!", nakangiting aya sakin ni Brynn

Ngumiti ako sa kanila ni Enoch at parehas ko silang niyakap ng mahigpit. Alam ko kasing hindi kagaya ng dati, palagi kong magagawa 'to sa kanila.

"I miss you both so much", mahinang sambit ko habang nakapikit

Humiwalay sila sa pagkakayakap sakin at tinignan ako na para bang may ginawa akong mali sa kanila. Napatawa ako ng mahina at ginulo ang buhok nila.

"Why do you sound so sad daddy? Is there something wrong? Did mommy and you fougt? Did you and daddy Blue fought?", tanong ni Enoch

Ngumiti ako habang umiiling sa kanila. Wala namang dahilan para mag-away kami ni Bleu o ni Blue.

"There's nothing wrong. It's just that I really miss you both so much", sagot ko

Niyakap ko ulit sila ng isang beses pa ng sobrang mahigpit. Na tila ba ayaw ko na silang pakawalan, pero kailangan. Hindi naman sila sakin. May ibang nagmamay-ari sa kanila. At itong yakap na 'to na lang ang tanging mababaon ko bago ako umalis ng tuluyan.

"Kant"

Napamulat ako nung marinig ko ang boses ni Blue mula sa likod. Kumalas ako sa pagkakayakap sa dalawang bata at unti-unting tumayo paharap sa kanila.

"It's nice seeing you here", pormal ngunit nakangiting sabi ni Blue

Tumango ako at ngumiti pabalik. Saka ko inilipat ang tingin ko kay Bleu na ngayon ay hawak-hawak ang kamay ni Blue.

"Are you ready? We can go now, para maaga din kitang maihatid", sabi ko

Inaya ko kasi siyang lumabas na kaming dalawa lang. Just for the last time, I want to spend this day with the girl I love.

"Yup, we can go now", nakangiting sagot ni Bleu

Saka na siya humalik sa pisngi ni Blue at unti-unting lumapit samin nila Enoch at Brynn.

"Kayong dalawa, don't be too hard-headed alright? Listen to what your daddy says", nakangiting bilin ni Bleu sa mga bata

"Aye aye captain!", sabi nung dalawa at tumakbo na papunta kay Blue

Liningon ko ulit si Blue at ngayon ay titig na titig siya sakin na para bang binabalaan ako. Napangisi na lang ako at napatawa ng mahina. Wala naman akong balak na agawin pa ang babaeng mahal niya kahit na gustong-gusto kong gawin iyon.

"Let's go?", nakangiting tanong sakin ni Blue

Tumango ako bilang pagsagot at nauna na siyang lumabas ng bahay ni Blue. Nauna na rin siyang pumasok sa kotse at pagpasok ko ay nakaayos na siya at nakapag-seatbelt na rin.

"Saan ba tayo pupunta Kant?", tanong niya

"Hindi naman ganon kalayo, pero basta", sagot ko

Saka ko na pinaandar ang kotse.

"Magtatagal ba tayo dun? Hanggang anong oras tayo dun?", tanong niya ulit

Napatawa ako ng mahina, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkirot sa puso ko.

"Just give me a few minutes Bleu, please? You don't need to make me feel like you don't want to be with me. After this, you can give all of your time to your own family, I promise", nakangiting sagot ko

Pero kahit na nakangiti ako'y alam ko sa sarili kong unti-unti ng lumuluha ang puso ko sa labis na sakit. Alam ko naman na kahit kailan, hindi ako nagkaroon ng puwang sa puso niya.

I am Bleu, He is Blue (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon