Chapter 2

75 3 0
                                    

BLEU'S P.O.V.

Matapos ang insidenteng iyon ay minabuti kong umiwas sa kanila. Hindi sa naiinis ako, kung hindi dahil nahihiya ako. Pakiramdam ko kasi, ako pa ang magiging dahilan ng away sa kanila.

Ang tagal na nilang magkakasama, magkakaibigan. Ayokong masira iyon ng dahil lang sa isang babaeng kagaya ko.

"Bleu, umuwi ka raw ng maaga sabi ng daddy mo", sabi sakin ni Rem

"Bakit daw?", tanong ko

Himala yata at nasa bahay sila ngayon? Wala ba silang lakad? Business?

"Hindi ko din alam eh. Basta ang sabi ng daddy mo, umuwi ka raw kaagad pagkatapos ng klase natin", sabi niya

Tumango na lang ako bilang pagsagot at napabuntong hininga. Ano na naman kaya ang gusto nila? O ano na naman kaya ang maling nagawa ko?

Kagaya ng bilin kay Rem, kaagad akong umuwi pagkatapos ng klase ko. Dahil kung hindi, malamang sa malamang ay si Rem na naman ang mapapagalitan at ayokong mangyari 'yon.

"Nandito ka na pala iha", nakangiting sabi ni Mommy

Kaagad siyang lumapit sakin upang yakapin ako at halikan sa pisngi. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o ano sa ginagawa nila.

"So ano bang meron at pinauwi niyo po ako ng maaga?", tanong ko kaagad

Humiwalay naman si Mommy sa pagkakayakap sakin at napabuntong hininga.

"Wala naman. Hindi ba pwedeng namimiss ka lang namin anak?", sagot ni Mommy

Napatawa ako ng mahina sa naging sagot ng nanay ko. Imposible yatang mangyari ang sinasabi niyang iyon. Ako? Mamimiss nila? Para na rin nilang sinabing posibleng sa himpapawid dumaan ang isang barko.

"Cut it out mommy", irita kong sagot

Alam ko naman kasi sa sarili kong hindi iyon ang dahilan.

"Hindi mo man lang ba kami babatiin ng maayos ng mommy mo at iyan kaagad ang ibubungad mo samin?", sabat ni daddy

Napatawa ulit ako ng mahina. Napakafake naman ng mga magulang ko.

"Hindi naman ako na-informed na uuwi kayo ngayon daddy. Sana pala ay naghanda ako ng isang engrandeng party para sa pagbabalik niyo", sabi ko

Kaagad kong napansin ang pagkainis sa mukha ni daddy dahil sa naging sagot ko. Sabihin nalang natin bastos ako sa ginawa at sinabi ko, pero kasalanang ko bang ang kabastusan na ito ay isang katotohanan?

"You really have a sharp tongue, don't you?", galit na sabi ni daddy

"You expect me to act nice and tell you flowery words then?", pabalang na sagot ko

Akmang lalapit si daddy at sasampalin ako pero kaagad siyang naharang ni mommy. Kung dati rati ay nagugulat ako at napapapikit sa takot sa tuwing magtatangka si daddy na sampalin ako, ngayon ay hindi na. Ganito pala kapag talagang nasanay ka na sa isang bagay. Hindi ka na lang talaga magugulat kapag nangyari pa iyon kasi paulit ulit lang naman.

"Wala kang galang. We didn't raise you to be a discorteous lady", sabi ni daddy

Sumeryoso ako at tumitig ng deretso kay daddy. Naiiyak ang mga mata ko, pero yung puso ko wala ng maramdamang kahit anong sakit.

"You didn't raise me daddy. Our maids did. Mas pamilya pa ang turing nila sakin kaysa sa inyo", matapang kong sagot

Hindi siya kaagad nakapagsalita kasi alam niyang totoo ang sinasabi ko.

"Wala ka talagang utang na loob! Wala kang kwentang anak!", sigaw ni daddy sakin

"Stop it, will you!?", sigaw ni mommy kay daddy

"Kailan ba ko nagkaroon ng pakinabang sa inyo? Palibhasa'y iisa lang naman ang kilala ninyong anak niyo. Sino ba ko, hindi ba? Sampid lang naman ako sa pamilyang ito. A slaughterer who killed your precious daughter", seryosong saad ko

Hindi ko na muling hinintay pa ang magiging sagot ni daddy dahil alam kong mapupunta lang sa walang katapusang pagbabangayan ang usapang ito.

Kaagad ko silang nilagpasan at dumeretso sa aking kwarto. Kung alam ko lang sana na ganito ang madadatnan ko, sana hindi na lang ako dito umuwi at nakitulog kila Rem. Mabuti pa doon, kahit na masikip, mainit, at siksikan, tinuturing akong kapamilya at mahal nila ko. Hindi kagaya ng kadugo kong itinatrato akong parang isang basura at isang napakalaking pagkakamali.

Kaagad akong humiga sa aking kama at napatitig sa kisame ng aking kwarto na puro bituin ang disenyo. Kahit papaano, kumakalma ako at nawawala ang galit ko kapag nakatitig ako sa kisame ng kwarto ko.

Ang hirap din kasi pala. Maging matatag at mapatang para sa sarili mo. Na, kahit sabihin mang may mga taong nandiyan at handa akong tulungan o damayan, sa huli, wala pa din akong ibang aasahan kundi ang sarili ko.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ang sitwasyong meron ako. Isang buhay na puno ng kasinungalingan. Isang buhay na nababalot ng labis na kalungkutan. Isang buhay na wala namang saysay.

Unti-unti ko na lang naramdaman ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. Sabi nila, nakakatulong daw ang pag-iyak para mabawasan ang sakit na dinadala sa puso mo. Pero bakit ganito? Pakiramdam ko, habang umiiyak ako, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko at mas lalong nasasaktan ang puso ko?

Tumayo ako at nagpunas ng luha. Kinuha ko ang isang notebook sa drawer ko na kung saan nakalagay lahat ng nagagawa kong poems.

I clicked my ballpen as I started to write a new poem again.

Imbes na magmukmok at mag-isip ng mga negatibong bagay na maaari kong gawin, ay minamabuti kong magsulat na lang ng tula para kahit papano ay nailalabas ko ang mga hinanakit ko.

Sabi ng psychologist ko, magandang paraan din daw 'to para libangin ang sarili ko at makaiwas sa mga suicidal thoughts na meron ako.

Dearest parents, tell me what is the 'best' I can do for you?
What should I do for you to make me feel that you love me too?
I always do my best and I've always been obedient,
Just to make you proud, I'm trying to aim high and be persistent.

I never heard you say that you're proud of me,
Yet I continue to smile at you even if you make me feel like I'm just a nobody.
You're making me feel so small and always belittle me,
What can I do if I'm just me and I can't be that someone you want me to be?

I am so tired of all the complaints you've told me,
I am in so much pain everytime you make me feel that you're not proud of me.
I am always in tears because you never saw me struggled,
You make me feel that this life of mine will never be untangled.

I am suffering from depression, did you know?
I am always dealing with anxiety, but you never saw.
I am a kid who always smiles at everyone even if I am not happy,
And I'm thinking that if I die, will you finally love me?

And after writing and finishing this poem, I fell into a deep slumber.

I am Bleu, He is Blue (Completed)Where stories live. Discover now