Kabanata 35 - Insecurity

5.4K 247 36
                                    

Kabanata 35

Insecurity


For a month that I am here in Brixton, naging comfortable na ako sa buhay ko dito. Lalo na sa mansion ni Dale. At first, awkward ako makitungo sa lahat dahil sa hindi ako pamilyar sa lugar na ito at wala rin akong ideya kung paano ang patakaran dito. But now... Sa tingin ko ay nakapag-adjust na ako ng maayos. Nakangisi ako habang naglalakad pababa sa mansion at papunta kung nasaan ang study room ni Dale.

It was late in the afternoon, and I have finally had an idea kung ano ang gagawin ngayong hapon. Ilang araw na rin naming nakakaligtaan itong gawin and I think today is the right time for it. Gusto ko rin namang tanggalin sa isip ang halik ni Dale sa aking noo nang nakaraang gabi. I know it is just a forehead kiss, pero big deal iyon para sakin! I like him! Ang maliliit na kilos niya ay mahalaga para sakin!

Tahimik na muli ang buong mansion. Tanging kami lang ni Dale and narito bukod sa mga servants at knights. Kaeden went to the capital to send a letter of request sa palace upang makita ko ng personal ang Crown Princess na tinutukoy nila Dale at ng Grand Priest noong huli naming pag-uusap. Habang si Gabriel ay dumalo sa isang pagtitipon para sa gyera. From what I have heard earlier nang nagpaalam si Gabriel, nagawa nilang depensahan ang atake ng kalaban. Like what I have told them, the front battle was a scheme para ma-ambush sila mula sa likuran. Luckily, nabigyan ko raw sila ng advice on what to do kaya naagapan nila ito. Resulting of an overwhelming victory. Ngayon, ang pag-uusapan na lamang nila kung paano pangangalagaan ang lupain na nasakop mula sa East empire. It was a huge piece of land na pwede maghati-hati ang 5 Baron doon.

All of the elders acknowledges that the idea na nagpanalo sa gyera was credited to the dela Fleur household. Though, Dale and Gabriel made it clear na sakin galing ang idea at advices na iyon, the Elders still want to give it to Dale. Not that I am complaining though. Wala naman talaga akong pakialam kung icredit sakin or hindi. I don't care about the war, honestly. Good thing na rin ang pagtunog ng pangalan ni Dale. This way, he will gain allies and help from the people. Mas mapapadali ang pagkuha niya sa trono ng kaharian.

The war has ended, and it was a victory. The cases of the missing ladies have been solved almost immediately. I forgot to asked Dale about the case dahil nawala sa isip ko. Hindi rin naman siya nagtanong kung paano ko nalaman ang impormasyon kaya hindi ko na rin naalala pa. Ang mahalaga siguro ay tapos na ang trahedya na iyon. All the problems of the empire has died down. It seems peaceful now.

Nasa likod ko si Sir Adam at Portia na tahimik na nakasunod sakin. I have been comfortable having a guard na para bang hangin lamang si Sir Adam. He has a small presence but deadly when it comes to battlefield. He was a sword master afterall.

Nang makadating sa tapat ng kwarto, kumatok ako ng dalawang beses at saka marahan na pumasok.

Inside the room was two man I have never met before. Napabaling sila saking dalawa. The older man gave me a bow of respect habang ang isa naman na sa tingin ko ay 10 or 12 years old ay yumuko sa presenya ko. Who are they? Nasa harap nila si Dale na nakakunot ang noo habang nakatingin sa mga papeles na nasa harap. He looks serious. Ni hindi pa niya ako tinatapunan ng tingin.

"Are you sure this is all?" I heard Dale speak.

Tumikhim ang matandang lalaki, binawi ang tingin sakin at tumitig kay Dale habang sumasagot sa tanong.

"Yes, Your Excellency. Wala na kaming iba pang ma-audit sa account."

Lalong kumunot ang noo ni Dale, "Impossible. Thousand gold coins ang nilagay ko sa account na ito!"

"Amaury." wika niya sa pangalan ko.

I was startled thinking na hindi niya alam na nandito pa ako dahil busy siya. "Yes?"

One Chance For RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon