Capítulo 9

550 20 12
                                    

It's fine

Marahang dumaan sa aking pang amoy ang halimuyak na dala ng sinigang na bangus. Animo'y hinehele nito ang aking sikmura para mas magutom ako lalo. Nakaupo ako ngayon dito sa kusina habang tinititigan si Nico na nag luluto nang aming almusal. His wide back is facing me. Bagay na bagay sa kaniya ang pag-kaka roon ng fair skin.

"Hindi pa ba tapos yan? Ang tagal naman, Nico!" I hissed. Sinimangutan ko siya. Sinimangutan niya rin ako. 

"Will you wait? Malapit na po akong matapos, mahal na lakambini," kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What's lakambini?" I asked. He looked at me, just like how my teacher looks at me in school everytime I failed to answer a question.

"Lakambini is a noble title for women, here in Luzon I think? Basta noong unang panahon pa iyon." Aniya. Tumang tango ako sa sinabi niya. Pati pala sa history ay may alam siya? 

I am actually curious about Nico's personal life. How was his life? Does he have a family? Friends? Mahirap lang kaya siya? His whole aura speaks authority and power which also reflects on wealth. I am so curious! Pero hindi ko magawang mag tanong dahil baka hindi niya rin sagutin tulad ng pag tanong ko sa kaniya kung saan siya napunta tuwing umaalis ng cabin namin. 

Sa sobrang bored ko habang nag iintay sa kaniyang ma tapos mag luto ay kumanta nalang ako. 


"At nang sumilay ang sinag

Na parang araw ang sikat

Nagniningning umiilaw

Walang iba kundi ikaw..." 


I caught Nico's attention. His lips parted when he turned his gaze on me. 


"Diamante, ang pag-ibig mo

Kampante, diyan sa piling mo

Diamante, tulad ng bituin

Brilyante, sa aking paningin

Siyang hulog ng langit

Sagot sa dalangin

Iba ka talaga

Pinakamahalaga sa'kin,"


I miss singing. Singing will never be taken away from me. It is my hobby. My talent. A skill of my own. I actually miss singing for my fans. Huminga ako ng malalim. 


"Siyang hulog ng langit

Sagot sa dalangin

Iba ka talaga

Pinakamahalaga sa'kin," 


Hindi ko na tinuloy ang su-sunod dahil nawala na sa isip ko ang lyrics. Anong part na ba ako ulit? Nagulat ako ng biglang tinuloy ni Nico ang pag-kanta ko. His voice is angelic. He knows his tone and pitch. Malalaman mo talagang kumakanta ito sa unang rinig mo palang ng kaniyang boses.


"Matagal ko nang inaasam ang tunay

Totoong kumikinang na pag-ibig."


Maikli lang iyon ngunit tumagos sa puso ko. Nico is really capable of shocking me with his actions. Ano pa ba ang hindi mo kayang gawin, Nico? Ngumiti ako ng pinatay na niya ang kalan at nilagay sa aming maliit na lamesa ang sinigang na bangus. Ang sarap!

Kidnapper's AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon